Pano mag ka gatas?
Hello mga momsh! Manganganak na ko this october and wala parin ako gatas :( natatakot ako na baka wala ako milk, gusto ko kasi mag breastfeed kay baby. Ano po kaya kailangan ko gawin or itake para mag ka gatas? #1stimemom #advicepls
Habang lumalaki c baby. Mga 20minx or 30minx umiiyak na siya ulit para dumede. Naka vitamins kasi siya, kaya gana sa dede. minsan 5mins umiiyak na siya para dumede. Malalaman mo pag busog siya sa breastmilk, pag tanggal mo sa kanya. Di siya agad iiyak. Like seconds lng or 1min...Pag 5mins, oky lng. Gusto ea lng more milk. Pag 3days or more na c baby mo. Dapat e check ang breast oras2x, if di na wala ang milk. By pressing the nipple. Pag walang lumabas, ibigsahin na wala ang milk. Ang ginawa ko dati, inom ulit ako ng anmum with oatmeal after a few hours. Bumalik siya. Na wala kasi sa sobrang stress and emotion. Post partum. Naka 2 pack ako ng anmum worth 499pesos.
Magbasa paHi mommy, ulam ka ng sabaw with malunggay, anmum with oatmeal. Very effective. Ilang days pa bago tumulo breastmilk ko. Pero breastmilk ako from the start. Kasi sabi ng mama ko. Basta pina dede c baby at ma himbing tulog niya. Di agad umiiyak ng ilang minutes. Ibigsahin my na dede siya sayo. Ganun din mama ko after a days pa bago tumulo milk niya. Basa palagi. 😊
Magbasa pai dont know if totoo ba to but my aunties , lola , mama said na nakatutulong daw yung katas ng kapayas , e ra rub mo daw yun sa dede mo yung katas. totoo daw, gagawin ko nga rin, Due ko ngayon 2nd week, but feeling ko marami na gatas sakin kasi kitang kita yung ugat ihh. tas nanlaki din dede ko
Dapat lagi ka nag lalaga non tapos iulam or mag higop ka ng sabaw non. Ako yun ang pinagawa sakin ng mama ko at advice ng mga tita at lola ko. Hanggang ngayon breastfeed padin ako kahit 1.4months na baby ko. at mag kaka baby na ulit ako, I'm 4 months pregnant 🤭💕
wow congrats sis! 😍 ahhh sana ako din full time breastfeed kmi ni baby huhu
Hi po, ako po lumabas lang yung milk nung nanganak na. Pero pinagtake na po ako ng OB ng malunggay capsules on my 37th week of pregnancy. Tapos nilatch po agad nila si baby pagkalabas. Nung nasa recovery room po ako, lumabas na yung milk nakadede na agad si baby.
Oo nga. Watch out ka na lang for labor signs pero I think IE ka din naman pag malapit ka na sa EDD. 37 weeks start na mag IE yung OB saken.
Pwede kana po mag take ng natalac capsule. Same edd po tayo and nag start ako last month pa uminom nun. Ang result po nya ngayon palang my lumalabas na lalo pag after kumain pumapatak na sya. 🤗 hope this will help you po. Ty.
Yes po😁♥️
Ako po this Sept na manganganak wala pa din naman gatas. Pero di naman ako worried kasi di ako tulad ng iba na may gatas agad kahit preggy pa. Natural naman po yan na magkakaroon din tayo ng gatas. Trust lang sa body naten 😅
First time ko din po pero di pa naman ako nasstress about dyan haha mas iniisip ko pa pano ko manganak ng normal at maging safe kami ni baby. Maybe, ask ur OB po if you're still worried about that. kasi iba iba tayo naman tayo ng body e. Maswerte yung meron na agad kahit preggy pa but doesn't mean na hindi tayo magkakaron ng gatas. 🙂
pag labas po ni baby magpalatch lang po kayo ng magpalatch. nong nananangak din ako 3yrs ago wala din gatas agad.. basta sabi ng pedia padede lang ng padede may nakukuha sila kahit konte hanggang lumakas gatas ko.
aww thank you po! sge po, sana tama pag pa latch ko kay baby
same sis october din edd ko wala padin naman lumalabas pero okay lang yan. baka pag nanganak na tayo dun na lalabas. binigyan ako ng ob ng malunggay capsules nung check up ko 32 weeks
talaga? iask ko din ob ko sa next check up ko sis kung pwede ako mag take, 33 weeks na ko today 😊
dati OB prescribed me malunggay capsules. basta i-try lang po mommy kahit na parang kakaunti at ang sakit. pagtagal lalabas at lalakas din po. goodluck!
Thanks sis! _♥
Proud Momma ♥