Rashes sa muka ni baby
Mga momsh mag one month na po si baby sa 15 na woworry lang ako sa rashes nya first week kala ko nrmal lang peri mag 2weeks na kasi tapos di na maganda tingnan 🥺🥺 #pleasehelp
Consult na sa pedia momshie. Wag manghinayang sa pedia hindi kase lahat ng naging effective sa balat ng ibang baby eh parehas sa balat ng baby mo. Ppwede ka mag try ng baby oil pero konti lang yung enough na mabasa lang din ang cotton wag sobrang dami then punasan mo agad ng lampin na binasa ng maligamgam na tubig. Wag na wag mo din tutuklapin kase magsusugat yan
Magbasa paHello Mommy! Normal po ang ganyan sitwasyon po sa going 1 month baby. Oil and Cotton lang po sa part ng may yellowish ( It is a cradle Cap for the babies) never rub to hard. and Try to use Cetaphil to his/her bath everyday. if hindi pa mawala ang rashes try to consult your pedia po. sa baby ko kasi nirecommend niya ang Physiogel kasi Dry and sensitive skin niya
Magbasa pamay ganyan yung bb ko yung sa kilay nya parang flaks na yellowish... makati daw yan sobra tas namumula sabe pedia kaya nagresita sya ng cream sakin.. nag try ako ng bb oil kasi nakikita ko dito lalo namula lang sabe sensitive daw skin ng baby lalo na kung may ganyan kaya wag ka susunod sa nagsasabe na bb oil mga feeling madami alam tsk...
Magbasa paMomie much better pa consult ka po muna sa Pedia, wag po dito . Kasi hindi kami sure na kung hiyang ba si Baby sa mga gamot na binigay samin ni doctora, tingin ko kaya nagkaganyan sa pagpaligo either gumamit kayo ng maynilad or nawasa, or pawis galing sa nagbubuhat, init ng panahon. Basta check up na mommie
Magbasa paCradle cap . Naku Cetaphil Pro AD derma gamitin mo sabon mi , saglit lang tanggal yan at mganda dn yun para hndi prang mag batik batik ng puti face ni baby pag natanggal yang mga langib . Recommended po ng Pedia yung sabon na yun mi . para sya sa may mga eczema , skin asthma , rashes , etc . safe sya paraben free
Magbasa paNung newborn anak ko konti pa lang rashes niya sa mukha consult agad kami sa pedia para di na dumami. Ikaw pinaabot mo pa ng 2 weeks at sobrang dami na di mo man lang talaga naisipan na magpa check-up na sa pedia for proper diagnosis and treatment? Kawawa ang anak mo lalo na't newborn pa yan. Pa check-up na.
Magbasa paMas maganda po nyan ipacheck- up nyo n po s pedia para po mabigyan ng mas tamang gamot ang baby nyo, ang doktor po ang mas nakakaalam sa ikabubuti ng baby nyo, wag n po mag rely sa mga sabi2x
sa kilay parang cradle cap pa sya pero the rest of thr face parang skin asthma sya mii... same case sa baby ko.. pero observe nyo po kung nangangati sya means di sya simpleng rashes.
mag 2 months na bb ko. may rashes din hanggang leeg.hindi naman marami, sobrang init kaya nagkakarashes sa leeg tas wag po laging kinikiss si baby, baka po may nagkikiss din na may balbas.
lagi lang po punasan ng maligamgam na tubig si baby momsh para iwas rashes especially sa leeg laging pahanginan. mainit pa naman ngayon. kawawa ang baby. stay safe po parati. 😞
mom