Hindi ka nag iisa mommy.. Kung feeling mo iniwan kna ng lahat, pero ang Diyos nandiyan lng palagi hindi ka nya iiwan, tumawag ka lng sa kanya.. Iiyak mo lng, lahat ng problema mo isumbong mo sa kanya.. Pati asawa mo at lahat ng nang aaway sayo isumbong mo lng..
Mahal ka ng Diyos.. Kung wala kna makapitan, siya pwede mong kapitan.
Naranasan ko na yan..
Nag-attemp ako tumalon sa bridge, kaso bigla kong naramdaman sumipa si baby..
naiyak ako nun napaupo nlng ako sa tabi, humingi ako ng sorry kay God.
After non nagpakatatag ako.. Sa kanya ako kumapit..
Sorry sa term pero hiniwalayan ko asawa ko, narealize ko na hindi ko deserve yung pananakit niya saken at kaya namin mabuhay ng anak ko nang wala siya..
Kahit papaano may natitira pa nmn akong respeto sa sarili ko...
And now after 12 years kinaya kong maging single mom, hindi ako pinabayaan ng Diyos.. Yung baby ko noon Highschool na ngayon and may pinakilala saken si God na masipag at mabait na tao na pinakasalan ako..
Tandaan mo palagi mahal ka ng Diyos, hindi ka niya iiwan, hindi pababayaan..
Magbasa pa
Momsy of 2 fun loving cub