61 Replies

Hindi ka nag iisa mommy.. Kung feeling mo iniwan kna ng lahat, pero ang Diyos nandiyan lng palagi hindi ka nya iiwan, tumawag ka lng sa kanya.. Iiyak mo lng, lahat ng problema mo isumbong mo sa kanya.. Pati asawa mo at lahat ng nang aaway sayo isumbong mo lng.. Mahal ka ng Diyos.. Kung wala kna makapitan, siya pwede mong kapitan. Naranasan ko na yan.. Nag-attemp ako tumalon sa bridge, kaso bigla kong naramdaman sumipa si baby.. naiyak ako nun napaupo nlng ako sa tabi, humingi ako ng sorry kay God. After non nagpakatatag ako.. Sa kanya ako kumapit.. Sorry sa term pero hiniwalayan ko asawa ko, narealize ko na hindi ko deserve yung pananakit niya saken at kaya namin mabuhay ng anak ko nang wala siya.. Kahit papaano may natitira pa nmn akong respeto sa sarili ko... And now after 12 years kinaya kong maging single mom, hindi ako pinabayaan ng Diyos.. Yung baby ko noon Highschool na ngayon and may pinakilala saken si God na masipag at mabait na tao na pinakasalan ako.. Tandaan mo palagi mahal ka ng Diyos, hindi ka niya iiwan, hindi pababayaan..

And take note.. I have new cute baby girl now sa asawa ko ngayon. Her name is BESA meaning faith, gift of God

Nasa stage tayo na sobrang sensitive ang emotions natin. Naiintindihan ka namin at di ka nagiisa. Makakatulong na magfocus sa mga bagay na dapat ipagpasalamat kay God instead of focusing on negative things. Ang ginagawa ko every morning at bago matulog nagpapasalamat ako kahit sa mga simpleng bagay, salamat sa buhay araw araw, salamat sa magandang kalusugan, thank you God for the air we breath, sa food, sa bahay, every small things to big things pinagpapasalamat ko. That way nachachange yung negative emotion natin into Positive. We have to help ourselves mga momshies.. wag tayo patalo sa negative emotions..normal lang ja malungkot but we have to fight! God is ALWAYS with us! He loves us. At tayo yung pinili Niya para magbigay ng buhay sa batang nasa sinapupunan natin. That's a blessings! Huggggssss! God bless sis! Pray lang tayo. Tumalikod na lahat pero si God NEVER tayong iiwan. :)

Same. Ganyan din naiisip ko nung buntis ako hanggang ngayon na nanganak na ako. Nung buntis ako parang ndi din excited yung asawa ko, sinasabi niya na excited siya pero ramdam ko na hindi. Minsan dinadaan ko na lang sa panonood ng palabas para mawala sa isip ko, pero once na wala na naman akong ginagawa pumapasok na naman sa isip ko na parang nagiisa ako sa laban na ito. Siguro dahil sa hormones o sa puyat kaya ganito ako o siguro dahil sa kakulangan ng attention ng asawa ko na kailangan ko sa mga panahon na ito dahil first time mom ako, sobrang nakakapagod tapos makikita mo siya sarap sarap ng tulog samantalang sumasakit ang ulo ko sa putol putol na tulog para magpadede sa anak ko. Iniisip ko na lang na kailangan kong lumaban para sa anak ko. Pero ndi talaga maiwasan na ganun magisip lalo na bago matulog 😢

Ganyan din po nararamdaman ko nung 5 months pregnant palang ako, nalaman kasi ng parents ng boyfriend ko na buntis ako, then nalaman kong ayaw pala nila saakin at ayaw nilang panagutan ako ng anak nila. Kahit na anong sabi saakin ng boyfriend ko na siya bahala, hindi ako nakikinig kasi ang nakatatak lang sa isip ko yung sinabe ng parents nya. Wag mo nalang po pansinin yung ibang tao ang importante nandyan ang baby mo :) kaya mo yan, now tanggap kona and lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na kung hindi nila ko or yung magiging anak ko kayang tanggapin, hindi ko ipipilit ang importante mahal ko at ng magiging tatay nya ang magiging anak namin. Think positive ka nalang po, baka feeling molang naman yon, mararamdaman mo din yung presence nila siguro pag labas ng baby mo.

VIP Member

Pray lang Momsh kaya mo yan no pangalawa mo nanga yan dapat mas matatag kana at dapat mas malakas na loob mo worth it namn yan pag lumabas isipin mo yung buhay mo at buhay ng baby mo. Hindi lang ikaw yung mwawala kundi pati yung bata dyan sa tyan mo na walang kamalay malay. Isipin mo paano na kapag nawala ka yung maiiwan mo may anak kapa na una diba hndi mo na yan first time pero minsan kase dala yan ng pagbbuntis. Manalig ka lang Momsh kayang kaya mo yan! Nakaya mo nga nng una susuko kapa ba sa pangalawa. Magisip ka ng positive always think positive! Alam kng dumadating ka sa point na prang di mo na kaya pero hindi dapat ang dapat ay makaya mo kakayanin mo dahil may isang buhay na nakasalalay! Pakatatag ka Momsh ☺️💪☝️🙏❤️

Be strong momshie😇 nkk relate ako sayo,,, dahil my times na gnyn ako cguro kc dto lng din aq sa bhy feeling ko kawawa ako. Pero ginagawa ko nlng nag lilinis aq ng bhy or nag sesearch ako ng mga vids about baby😊, nililibang ko nlng sarili ko. Kasi my time konting away lng nmin ni bf feeling ko kawawang kawawa ako tas iyak aq ng iyak.nkk tulog nlng aq kk iyak. Then na rerealize ko after, na dapat mging mas malakas ako at si baby ang tuunan ko ng pansin kesa sa bf ko na nag pp stress sakin minsan haha .. Kya momsh pray lang tayo kay god😇 hindi niya tayo pbabayan. Im 29weeks and 6 days😊

Same, mga kaibigan ko hindi na ako chinat pati family ko disappointed parin sa nangyarr sakin kahit di nila sabihin ramdam ko sa bawat kilos nila sa loob ng bahay, na parang feeling ko kasalanan ko lahat ng mga pangit na nangyayare sa buhay namin. Hays sobrang hirap na wala kang masabihan ng nararamdaman mo, kasi kahit mga kaibigan ko lumayo na sakin. All i have to do is pray, sya nalang talaga ang meron ako. Kahit na feeling ko sobrang worthless ko na, pinaparamdam nya parin sakin na im still Worth it, lumapit lang tayo kay GOD sis. He always listened. 😇😊

dati, oo. halos ganyan din kami ng partner ko nung mga unang weeks. mas madalas pa niyang kasama mga friends niya kesa saking/samin. Pero naiisip ko kasi na naapektohan si baby sa mga nararamdaman ko kaya sinasabi ko nlng sa partner ko na maghiwalay nlng kami para atleast hindi na siya dumadagdag sa iniisip/inaalala ko. buti naman hanggang ngayon nag stay pa dn siya samin at binawasan na ang pag inom niya sa labas and si baby ang pinagkukuhaan ko ng lakas ko ngayon 😊. palike nung comment ko po para lng malaman ko kung nababasa mo/niyo 😊

VIP Member

Same week here im 30th week now. naranasan ko din yan. yung biglang mag iiba ang mood mo and parehas tayo 2nd baby na rin namin to! minsan pakiramdam ko din ganyan sis kasi feeling natin wala na silang pakialam saten. pero kung hndi ko pipigilan yung suicidal thoughts ko kawawa naman yung anak ko na nasa tummy ko palang feeling ko nararamdaman din nya yung lungkot at stress na nararamdaman ko.😣 ify sissy. mag libang kana lang sis kesa naman mag isip tayo ng kung ano ano na hndi dapat natin gawin.🙂 be strong mamsh.❤️

VIP Member

Hindi ko pa po nararanasan momshie pero yung nararamdaman mo dala tlga yan ng pagbubuntis yung pagiging emotional kase sensitive tayo dahil sa hormonal changes na pinagdadaanan naten. If you cannot seek support from your fam and hubby seek support from God and close friends. Be strong someone is relying on you. Be thankful that you have another blessing. Talk to your hubby about your feelings nadadaan naman lahat sa usapan. Kaya mo yan momshie. God bless you and more power. 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles