Breech Position

Mga momsh, i’m ok 32 weeks na po at chineck kanina ni doc yung position ni baby. Nasa breech position pa din po siya. Worried na po ako, kasi sabi niya din na malaki tyan ko, ano po dapat gawin para umikot si baby? Minsan ngpapa music din po ako at ng fflashlight sa puson ko. Any advice naman po. Huhu #pregnancy #pleasehelp #firstbaby #breechbaby

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kusa po yan iikot pag malapit na.. Ako kasi 36weeks nun breech pa rin kaya sched CS ako 37weeks habang nasa operasyon ako nakaikot na pala si baby.. Pero mii dapat iprep mo pa rin sarili mo sa posibilidad na ma CS ka.. Kahit pref mo ma normal delivery

Breech po yun baby ko nung checkup ko ng 36 weeks kaya scheduled for CS ako ng 37 weeks. Pagbalik ko sa OB ko ng ika 37th week, umikot na daw po si baby kaya di na ko na CS ☺️ Iikot din po yan miii.

3y ago

Ang ginawa ko lang po, nagayos ng hospital bag tapos naglakad sa kwarto then pahinga lang po mi kasi ready na ako ma CS nun at niready ko na self ko. Then nagpray po ako kung ano din will ng Lord since di ko po alam mangyayari dahil first baby ko nun. 😊 Normal delivery po ako at 39 weeks.

Iikot pa po yan momshie.. Ganyan dn po sakin.. Ngaun po nka pwestu na po c baby Din ako worried na ma CS mas nKaktakot po ma CS pray lang po momshie at kausapin c baby lagi

Lagi lng po kausapin si baby, magpa music at walking2x din po. Ganyan din sakin before 28 weeks breech position pero umikot naman po si baby at nakapag normal delivery po ako.

3y ago

Thankyou sis

iikot pa Yan sis ako nga 3 weeks before ako mangangak umikot pa siya .. walking nuod ka sa YouTube

3y ago

magpamusic ka po lagi tapo lagay mo sa bandang puson mo. pero prepare mo na rin self mo kasi pg dna tlga xia umikot maccs ka po.

kausapin mo si baby tas lagay ka sound don sa paahan mo po

3y ago

Gawin ko nalang cgro yan kapag gising siya. Hehe. Para po ma sunod niya kng saan yung sound. Thankyou po