Pamahiin please advise

Hi mga momsh. Im currently at 37weeks and nag reready na ako ng hospital bag namin ni baby. May nakapag sabi sakin na dapat daw ang una kong ipa suot kay baby na damit pag labas ay pinag lumaan daw at hindi bagong damit para daw hindi maging maselan at sakitin. Totoo po ba eto? Meron po ba hindi sumunod dito pero ok naman baby nila? Thank you po. First time mom here 🙏🏻#advicepls #respect_post

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung 1st born ko mie lahat ng damit mula ulo hanggang paa puro bagong bili. pero never naging maluho at maselan ang anak ko, never nag tantrums sa mga malls, bangketa kapag nakakakita ng mga toys, etc. at hindi rin sakitin pati narin pag nagkakasakit gumagaling agad. nasa pagpapalaki lang talaga yan mie dito kasi samin ang paniniwala kapag daw puro bago ang pinasuot sa bagong silang na sanggol magiging maluho daw. hindi naman. never ako nagka problema sa anak ko pagdating sa mga luho. mag 4 yrs old na sya this year.

Magbasa pa

hindi po totoo. bago ang damit ng baby ko, galing oa nga sa hospital mismo yung sinuot nya pagkalabas since kasa sa package yung baby clothes at essentials.. wala tin pong conncetion ang pagiging di sakitin sa kung luma o bagi ang damit ni baby. just do whatever ypu think na okay sa baby mo.

2y ago

Thank you po mami. Ang dami ko naririnig pamahiin kasi eh since first time mom ako Hehe gusto ko din bago ang maisuot ni baby. Thanks po 🙏🏻

nasa pag aalaga yan mommy hind mag kakasakit anak mo kung tama ang pag aruga mo sa anak mo kasi wla sa damit or bagay yan nasa nanay yan kung paano mo alagaan ank mo para makaiwas ka sa sakit

magready kana po mommy, ako po sani July 19 EDD ko pero July 1 nanganak nako, 37 weeks po. Nako dipo totoo yan, bago po mga damit ng babyko.

wag napo tayo maniwala sa mga ganyang kasabihan.

2y ago

Thanks mi

Not true😅