Nag-positive din po ako sa covid while I was 11 weeks pregnant. Uminit ang pakiramdam pero walang lagnat, ubo at sipon ang symptoms ko. Home quarantine lang din kami kc mild lang naman at lahat din kami sa bahay ay nag-positive. Warm lemon water, citrus fruits, pahinga at tulog and higit sa lahat bawal ma-stress. 1000mg ng Vitamin C, Folic Acid at Biogesic lang ang pinainom saken ng OB ko. Daily ang update ko sa kanya ng temperature at oxygen level ko. Hindi din muna kami sabay2x kumaen, nakabukod mga utensils namin kc iba-iba daw ang cycle ng recovery per person. Baka mamaya pagaling na yung isa, then mahawaan ulit nung isa. Kaya lahat kami naka-mask buong maghapon, kahit sa pagtulog. Open ang windows kc dapat well ventilated ang area, dalasan din ang pag-spray ng lysol sa banyo at sa common area. Just make sure na lumayo ka pag nagspray sila para di mo masyadong maamoy. After 10 days of home quarantine at daily monitoring ng OB, private Doctor at ng mga taga City Health Department, nabigyan kmi ng clearance. Mga 5 days lang din nagtagal ang ubo at sipon namin, ung kapatid ko lang ang nawalan ng pang-amoy at panlasa, kami ng husband ko ubo at sipon lang. Last week lang nagpa-check up ako at sa awa ni Lord ay okay na okay c baby. Napakalakas ng heartbeat nya. Sabi ni OB as long as walang complications, hindi affected c baby. Basta number 1 ay bawal ang ma-stress. Bantayan ang paghinga, kc pag hirap c mommy huminga, hirap din c baby. 14 weeks and 4 days na ako Today, back to work na din mga kasama ko. Ganun pa din, hindi pa din kami sabay2x kumaen, naka-mask pa din buong araw para mas safe kahit sabi ni OB na may anti-body pa ako now. Gusto din nya magpa-vaccine ako pag bandang 3rd trimester na. Sa ngayon, flu vaccine plang naiturok saken. Kaya mo yan momsh, pray lang lagi at kausapin c baby. Praying for your fast recovery. 😊🙏