Need advice for my feelings.
Mga momsh. I need advice. My ka relasyon ako ngaun na my asawa na pero hindi sila kasal. Meron silang 5 anak. 1year na kami. He is decided na magbuo kami ng pamilya. He wants to settle first yung 5kids niya bago niya sabihin sa asawa niya ung relasyon namin. Mahal niya ung asawa niya dahil sa mga bata, umuuwi lang siya sa kanila pag my occassion at kukuha ng damit pero hindi siya nag stay sa bahay nila, accident ung pagkabuntis niya sa asawa niya nung una hindi niya mahal as a lover tlga as per Him. Nagtitrigger ung conscience ko, ng dahil sakin pwede masira family niya. I want to leave him pero ang hirap sobrang napamahal na siya sakin, inaalagaan niya ako, nagdadate kami, nagoout of town kami. Which is hindi niya ginagawa sa asawa niya. Hindi ko kasalanan na mahulog sa kanya, siya ung nanligaw sa akin. I didn’t expect na mafafall ako sa kanya pero nung una dedma lang ako sa kanya. Gusto ko muna maayos niya ung family niya at kung desidido tlga siya na ipursue ung relationship namin iayos muna niya ang lahat kc mahirap sa part ko na nagtatago siya sa isa at the same time nasasaktan ako. I feel stupid sa feelings ko. I need advice mga mosmh. Sorry and thank you.#advicepls #momcommunity #justmums

Parang ewan naman yung guy. Sabi mo hindi niya mahal yung babae tapos aksidente pagkabuntis? Eh bat umabot sa lima ang anak jusmiyo sana nung una palang ni settle na niya parang tanga yang lalaki ha. At ikaw naman ghorl sbi mo ayaw mo makasira hellooooo sana nung una palang ikaw na ang lumayo, alam mong pamilyado na yang lalaki eh ni push mo parin. Nakasira kana ghorl ng isang pamilya, dmo ba naisip mararamdaman at kahihinatnan ng mga anak nila? Lalaki silang broken family masisira yung future nila dahil sayo kasi ikaw ang THIRD PARTY. Wag mong sabihing nasasaktan ka kasi ikaw ang gumawa ng dahilan bakit ka nsasaktan ngayon. Ni hindi mo nga naisip yung mrrmdman din ng real na family once na malaman na nila eh. Sabi nga nila There's so many fish in the sea so why mess with someone that has been already caught?. At isa pa hindi mo rin naman susundin yung mga icocomment ng mga users dito na advice eh. Ikaw lang mkakatulong sa srili mo kasi alam mo naman kung ano ang tama sa hindi eh. Isipin mo nalang yung mga batang masasaktan mo. Makakaya ba yun ng konsensiya mo? Kahit sbihin natin na ikaw pinipili niya tapos magssma kayo balang araw at magkakaanak, wag kang mag expect na di uulit yung lalaki sa nagawa niyang pagkakamali. Nagawa nga niya sa sa asawa niya eh lima pa anak. Tsaka wag ka masyado maniwala sa sinasabi niya na d niya mahal asawa niya ghorl nkalimang anak na sila. Nu kaba! May pagmamahal siya sa asawa niya kulang lang cguro cla ng time sa isat isa at sayo niya yun nakuha.
Magbasa patrigger warning pero ito real talk para sayo, basahin mo kung kaya mo pero kung hindi, mag next comment ka na lang maawa ka sa sarili mo, maawa ka sa magiging anak niyo.. there's no way he can provide for your child at dun sa 5 pa niya anak unless 6 digits ang sweldo niya. isa lang katawan ng lalaki na yan, di niya naman kaya magspend ng quality time sayo, sa magiging anak niyo at dun sa 5 pa niya anak tsk tsk kung di niya kinaya panindigan yung unang pamilya niya, what more pa yung sayo? naisip mo ba na baka convinience lang at stress reliever ka lang niya? maybe he is showing you only his good side, pasweet sweet para makuha loob mo at bumigay ka.. baka naman dati yan din pinakita niya dun sa nalimahan niya? Kung di niya mahal yun, bat nakalima pa? nako 99% sure ako gagawin din niya sayo ginawa nia dun sa naanakan niya.. bubuntisin ka lang tapos di ka naman pakakasalan. saka baka naman before pa nung nalimahan niya eh may iba pa siyang naanakan? baka may legit na asawa kaya di napakasalan yung nalimahan. mag ingat ka sa ganyan momsh. lumayo ka nalang at maghanap ng ibang lalaki. 1 year palang kayo at di mo pa talaga siya kilala. kausapin mo ung nalimahan niya ng anak baka may alam yun na di mo alam, magmukha ka lang tanga sa huli 🤷♀️
Magbasa paalam mo sis kasal ako noon at sa 1yr naming pagsasama di pa ako nabubuntis then one day nalaman ko na nakabuntis sya ng ibang babae, masakit sakin kc bago pa lang kami pero nakuha na nyang magloko.Humingi sya ng tawad at sabi nya nagkamali lang sya,at dahil mahal ko kaya pinatawad ko.Pero inuwi nya yung babae at binahay,at angbsabi nya ginagawa lang nya yun para sa anak nya kc ayaw nyang mapalayo.Pero nasundan ang anak nila.Dun na ako nag isip,sabi ko sa sarili ko di na to pagkakamali kundi cguro mahal na talaga nya yung babae kaya kahit sabihin nya na nakikisama lang daw sya di na ako naniwala,kahit ako ang tunay na asawa ako mismo ang lumayo kc iniisip ko ayokong bigyan ng broken family yung mga bata.Kaya kahit ayaw nya di parin ako ngpapigil.Masakit mula sa umpisa ng ginawa nyang panloloko hanggang sa pakikipaghiwalay pero unti unting nawala yung sakit.5 yrs na ang nakaraan at heto ako ngayon nakatagpo na ng lalakeng tunay na nagmamahal sakin at 2months preggy na ako. Kaya ikaw girl isip2 din,bigyan mo ng halaga ang sarili mo panigurado wala kang peace of mind jan lalo na pag nalaman yan ng kinakasama nya at nagkataon na skandalosa yun naku pahiya ka talaga sa madla.
Magbasa paBali, hindi mo naman kasalanan talaga. Kasalanan ito ng lalaki bilang ambuser. Siguro na-manipulate ka niya talaga. Magising po kayo sa katotohanan na, kung magagawa niya sa ka-partner niya na may limang anak na magloko. More likely magagawa niya rin po iyan sa inyo. 🙁iyon po. Dapat maging malay po kayo sa inyong halaga. Huwag po kayong madala sa mga matatamis na salita. Maging mapanuri kayong maiigi. Hindi kayo malandi, maaaring nagkamali po kayo. Pero hindi pa katapusan ng mundo. May pagkakataon pa po kayong makapagpatuloy at magkaroon ng bagong simula. Mahahanap niyo rin po ang tunay at wagas na pagmamahal. Ang pinakamahalaga po ngayon, magpokus po kayo sa inyong sarili. Mahalin niyo po muna ang sarili ninyo, kilalanin ninyo po ang sarili ninyo. Kapag maligaya na kayon on your own tingin ko doon na darating ang tunay na pag-ibig sa inyo. Bilang babae po dapat po iniisip natin ang kapwa babae natin na nasasaktan din. Putulin ninyo na po ang relasyon ninyo sa inyong karelasyon. Humingi po kayo ng tawad sa kaniyang ka-partner. Tandaan niyo po, nagkamali lang kayo. Pero hindi kayo masamang tao. May panahon pa po para po magpatuloy sa panibagong landas. :)
Magbasa panaka-lima pero di mahal?! Matakot ka sa ganyang lalaki. baka kapag naka-lima o kahit nga isa kayong anak eh, maranasan mo rin ang ginagawa nya sa asawa nya. Minsan di lang love ang dapat pairalin sa isang relasyon, kundi pati delikadesa at respeto. At ang isa pa, walang lalaking magsasalita ng magagandang bagay sa kanilang mga asawa, kasi di sila papatulan ng target nila. Na-fall ka sa kanya dahil sa effort nya sa 'yo Minsan po ilugar nyo rin ang mga sarili nyo sa mga niloloko nyo. Di dahil sa nag-i-effort na sa inyo ang lalaking may-asawa ay papatol na kayo agad?! Mamahalin nyo pa ba yan kung di maganda ang trato sa inyo?! Kung dalaga ka naman. you deserve someone better, wag mong buhayin ang sarili mo sa ilusyon ng pagmamahal. Nasa huli lahat ng pagsisisi.
Magbasa paPut yourself into the wife's shoe. 5 anak niyo tapos iiwanan kayo para sa ibang babae. Hindi lang financially, emotionally and mentally mgsa suffer ang isang babae dahil walang babae na nangarap ng broken family. And kung mahal mo man si guy ikaw na mag sacrifice dahil ikaw makakahanap kapa ng para sayo na di mo need manira ng family pero yung trauma and pain sa asawa lalo sa mga anak hinding hindi mo pwede ikumpara sa sakit na mararamdaman mo teh. And lastly mahalin mo sarili mo because mas deserve mo yung relationship na para talaga sayo yung bigay ni Lord. Yung true love is something na hindi nakakasira hindi nakakakasakit at hindi mo kailangan agawin. Isipin mo ang mararamdaman mo kung mangyari sayo yan para mas makapagdesisyon ka ng kung ano ang mas tama.
Magbasa pa💯
ai girl lumang tugtugin na yang sinasabi Ng lalaki. Dami nang ganyan Ang problem dto.. naisahan lang nag laho na rin.. kunwari kunwari ganito ganyan. pag nag buntis ka.. yari Kang bata ka. hehe no joke.. pag nabiktima ka niyan ai ewan ko n lang.. kausapin mo Yung partner niyan, magugulat ka kasal or ok nmn sila.. kunwari my prob sila. hihiwalayan kemirot.. pero pag nagbuntis kna.. babye na. given n paninindigan ka.. pero naka 5 siya dun sa isa. pang kabit lang ba peg ng beauty mo sis? wag k mag settle sa gnyan.. d yan worth it . sakit lng Ng ulo at puso abutin mo diyan.. alam mo nmn yan. try mo mag tanong sa nanay mo para mabigyan ka rin payo. besides hanapin mo Yung taong papakasalan ka and ipag papa alam ka sa magulang mo.. wag ka mag tyaga sa pipitsugin n ganyan.
Magbasa pabaka limahan din siya 😅 mas maganda kasal muna bago anak para sure na mahal nga siya kaso baka naman kaya di napakasalan ung nalimahan kasi may legit talaga 😂 nag iipon pala ng kabet collection yung lalaki
ako asawa ko ngayon may unang pamilya at may tatlong anak pero nung nanligaw siya saakin hiwalay na talaga sila ng asawa niya at sinigurado ko yun kasi ayaw ko makasira ng pamilya . kasi kung iisipin mo ikaw nasa sitwasyon masakit talaga lalo na may mga anak kayo . ngayon may mga sarili na kaming pamilya pati dating asawa ng asawa ko ngayon nag uusap usap kami lalo na pag dating sa mga bata nag tutulungan kami nung unang asawa para sa mga anak nila ng asawa ko and ok naman kami . mahirap na nag tatago ka lang gurl masarap sa pakiramdam maging malaya at walang tinatagong mabigat sa loob . pag isipan mo munang maigi wag mo papairalin ang pag mamahal mo dapat gumagana din ang utak mo . kasi baka bandang huli ikaw din ang masaktan
Magbasa paFirst,Anong masettle yung 5 kids niya bago sabihin sa asawa niya yung relasyon niyo? TE masesettle lang yan kung buo sila. 2nd, okay accident ang pagkabuntis niya sa una PERO TE NAMAN umabot hanggang lima? Hindi niya mahal as a lover? ano yun?? HAHA 3rd, natrigger yung conscience mo? so pag hindi matrigger okay lang? 4th, hindi sila ng ddate, hindi niya naalagaan ang asawat anak niya, hindi sila nkapag out of town dahil nga sumingit ka eksina.. kahit hindi pa cla kasal te, may mga anak sila and take note LIMA, maawa ka sa mga bata wag mong pairalin yung selfishness niyo! alam mo nman na mali, kung ikaw nasa sitwasyon ng karelasyon niya matutuwa kba? Surrender all your worries to the Lord.. 😌
Magbasa pavery irresponsible and selfish na lalake sya base sa kwento mo sis, diretsahan na lang hah hiwalayan mo or sa susunod ikaw ay mawawalan ng peace of mind dahil sa ganyang klaseng tao sya. isipin mo paano nangyari yung 5 kids. isipin mo paano nya niloloko yung asawa nya kahit may anak na 5. at paano sya nagiging irresponsible na may 5 syang innocent kids. darating yung time pwede nya gawin sayo yun at sa magiging anak nyo sa future imagine mo sis ano nafi feel mo? masakit di ba? parang ayaw mo sa kanya di ba? kaya ako sayo ayoko sa ganyang tao wala akong security talaga. Manloloko syang tao. sensya na sis hah diretsahan talaga. good luck sayo nat makapagisip ka ng maayos at makadecide.
Magbasa pa