Trying to Conceive after Miscarriage:

Hi mga momsh, i have miscarriage 2 months ago😔. 1st baby namin sana yon. Ngayon nag try na kami mag conceive ni hubby ko since naka 2 cycle na akong mens. Ngayon pinai-inom ko sya ng Rogin E. Ako naman Myra 400 E, folic Acid, ferrous at Ascorbic Acid. Okay kaya yon? Sana may makasagot. Salamat!

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

nakunan din ako last dec 2020.first baby sana namin yun tas buong 2021 ako naisstress sa pag TTC namin... kung ano ano naiisip ko na baka may PCOS na ako kc mas lalo ako tumaba tas mas dumami tagiyawat ko tas naging irregular din cycle ko... naka try pa ako nung opk para ma track ko yung ovulation day ko pero laging negative... naiiyak nlng ako pag dumating na yung regla ko kc failed na naman kami... halos lahat atah ng position nagawa na namin🤣 pati sa umaga ginawa na namin kc baka yun ang tamang timing pero wala... sabi ko pag hnd pa ako nabuntis hanggang dec 2021 magpapa alaga na ako sa ob then jan 2022 katatapos lang nun yung mens ko nagpa check up na ako tas pinapmear nya ako then nag bigay ng gamot na folic acid sa akin tas conzace naman sa amin ng asawa ko. tig once a day yun pero si hubby naka 2x lang atah sya nakainom pero ako tinuloy ko yun ng 1month... tas sabi ni ob pag nerigla na daw ako sa feb balik ako skanya or kung hnd pa ako reglahin hanggang feb 10 balik parin ako skanya.. so feb 3 nag pt ako kc yun ang expectation ng regla ko tas negative nnmn another disappointed nnmn then inulit ko ng feb 5 negative ulit then feb 7 inulit ko pero ibang brand ang binili ko tas laking gulat ko nag positive tas sobrang linaw pa.... naiiyak na ako sa tuwa kc hnd ako makapaniwala tas hnd pa ako nakonbinse bumili ako ulit ng ibang brand nag positive sya pero sobrang fainted yung second line... ngaun currently 25w1d na kami no baby😊😊😊

Magbasa pa
Related Articles