18 Replies
Yes. Ayos lang naman yang mga tinatake nila pero ako nung TTC kami ni hubby dahil na miscarriage din ako, folic lang. Ang satingin ko po na makakatulong sneo na umeffect din samin is sinamahan namin ng healthy diet then iwas sa sigarilyo or alak si mister at iwas stress naman ako. Kung wala namang bisyo si hubby, mas okay. Then kung regular ang menstruation mo po, try nyo po itrack kung kelan ang fertile week nyo. Kung kaya nyo po everyday mag do sa fertile week mas maganda or every other day pag di kaya. Pero need syempre ng patience at prayers sis. Kasi ako Feb 2022 nagstart magtake ng vitamins, akala ko nga mabubuntis ako agad. Di pala yun ganun. Nagdu-do kami ni hubby pero magustuhan lang. NagPPT ako pero di kami pinapalad na magpositive siguro kasi by that time di pa kami healthy living ni hubby. Pero by April don talaga kami mas naging desido. Medyo challenging. Iwas stress dapat. Iwas bisyo si hubby. Then di kaya ng everyday do dahil sa pagod sa work pero still we try our best. Then, di rin agad ako natayo after do. Naglalagay ako ng unan sa ilalim ng balakang kapag ready na si hubby and stay muna ng ilang minuto before magwash. Nagpray din ako maigi. And naging worth it naman ang pagtatry nung April kasi nabuntis agad ako. Pregnant na ako now. 13w2d. Saktong sa LMP ang sukat sa ultrasound. Low Risk Pregnancy pero alaga padin sa OB. Konting may nararamdaman ako, talagang kinoconcern ko agad sa OB ko kahit magastos sa check up, go lang. Para kay baby at para di na maulit yung nangyari nung una. 🌈Hoping na magkababy ka na din soon. ☺️🙏
nakunan din ako last dec 2020.first baby sana namin yun tas buong 2021 ako naisstress sa pag TTC namin... kung ano ano naiisip ko na baka may PCOS na ako kc mas lalo ako tumaba tas mas dumami tagiyawat ko tas naging irregular din cycle ko... naka try pa ako nung opk para ma track ko yung ovulation day ko pero laging negative... naiiyak nlng ako pag dumating na yung regla ko kc failed na naman kami... halos lahat atah ng position nagawa na namin🤣 pati sa umaga ginawa na namin kc baka yun ang tamang timing pero wala... sabi ko pag hnd pa ako nabuntis hanggang dec 2021 magpapa alaga na ako sa ob then jan 2022 katatapos lang nun yung mens ko nagpa check up na ako tas pinapmear nya ako then nag bigay ng gamot na folic acid sa akin tas conzace naman sa amin ng asawa ko. tig once a day yun pero si hubby naka 2x lang atah sya nakainom pero ako tinuloy ko yun ng 1month... tas sabi ni ob pag nerigla na daw ako sa feb balik ako skanya or kung hnd pa ako reglahin hanggang feb 10 balik parin ako skanya.. so feb 3 nag pt ako kc yun ang expectation ng regla ko tas negative nnmn another disappointed nnmn then inulit ko ng feb 5 negative ulit then feb 7 inulit ko pero ibang brand ang binili ko tas laking gulat ko nag positive tas sobrang linaw pa.... naiiyak na ako sa tuwa kc hnd ako makapaniwala tas hnd pa ako nakonbinse bumili ako ulit ng ibang brand nag positive sya pero sobrang fainted yung second line... ngaun currently 25w1d na kami no baby😊😊😊
hello mommy! i miscarried too sa supposedly first baby namin last march 2021. nagtry kami agad ulit nung may go signal na ni ob. actually, 2 weeks lang yata after ko maraspa pwede na daw ulit kasi malinis ung pagkakaraspa sa kin, di hinayaan ni ob na may sugat na kailangan pahilumin pa ng tpdo. alam kasi nyang magttry kami ulit. pero kahit monthly kami magtry, monthly din ako dinadatnan. hanggang sa nag2022, ung same week na nalaman namin last year na buntis ako, same din ng week na nalaman namin na buntis ako ulit this year. sabi nga ni hubby panahon daw talaga namin ung 1st quarter ng taon. ngayon 23 weeks na ako. awa ng Diyos normal lahat. ang di lang pinatigil na ipainom sa akin noon, folic acid at iron. pero nagvitamin e ako, ung sa snr? tsakq fish oil. ung sa snr din haha. maraming prayers din 😊. bibigay din ni Lord ang rainbow baby nyo.nafeel ko din yan ung stress at pressure na gusto ko na magbuntis agad kasi emotional pa ako. pero kailangan din mqging handa kayo ng hubby mo emotionally para sa perfect timing. good luck mommy! pagpray natin na this year magkababy na kayo.
Momsh continue mo lang yan iniinom mo at wag kayo mapressure.. Ibibigay yan ni Lord senyo sa tamang panahon.. Ang gawin niyo lang ni hubby mo muna pareho kayo magpalakas at dapat healthy.. Since na miscarriage ka na ok din magpaalaga sa OB.. Yun sa akin kung kelan hindi kami nag eexpect doon dumating si baby namin yun walang pressure.. 2nd baby na din kasi namin pero kasi 6years ang agwat.. So napakatagal din namin nag antay.. 2months lang ako nag take ng Folic Acid at Restor F tapos ang hubby ko Rogin E.. Ayon nagbuntis ako at eto na 4months old na ang baby ko..pray lang kayo palagi momsh
Don’t get pressured po. I had recurring miscarriages, first in 2018 and second in 2020. Almost nag give up na po ako kse I had 2 pregnancies with 0 live birth. But my OB was very supportive. I was on folic acid lang. Tapos exercise and healthy diet kami ni hubby. Now, pregant again at 43yo. High risk coz of my age pero nothing is impossible. I’m under a care of two OBs, one OB-Sonologist and one OB-Perinatologist. Pray lang tayo lagi! 🙏
Had miscarriage too last Feb 2021. Then got pregnant this January 2022. Alagaan mo sarili mo muna before getting pregnant again kasi need bumawi ng katawan mo. No rush, mommy. 30 nadin ako this year but if it's God's will, it will happen. Folic acid lang and multi vitamins lang niretain kong inumin after miscarriage. Si mister pinag try kong mag Zeman SX as prescribed ni OB pero on and off then tinigil na din after 3 months siguro then thiocell oral glutha sakin kaso ang mahal so di rin namaintain.
Had recurrent miscarriages rin po. Kaya advice ni OB mag folic acid 2-3months before trying again. Paalaga ka po sa OB mo mumsh. But make sure po muna na ok ka physically, mentally and emotionally po before trying again. Currently 21weeks ako now and still anxious ako everyday and lalo pag mag ultrasound bumabalik lahat ng memories ko na sasabihin ng ob sonologist na walang heartbeat or di na nag grow baby ko. Baby dust to you mumsh!!
Nag miscarriage din ako last yr of july 21 that was my 1st baby sana and by oct 21 nkabuo ulit kami and now kabuwanan ko na this july! Excited na akong makita c baby and thankful to god kasi d nya kami pinabayaan ni baby syempre healthy din c baby thankful din ako sa 1st baby ko kasi ginaguide nya kami ni baby ko at mag 1 yr na sya ngayon this july 21 🥰 pray lang mi alam natin na hindi tau pababayaan ni god!
Hi momsh, I experience miscarriage din. I must say don't rush too much, kasi minsan yung frustration naten makabuo will lead to stress. Your body will tell you so pag ready ka na mag conceive just don't rush. After 6mons of miscarriage Im on my almost end of 2nd trimester na today. Eat healthy, every other day na sex pero enjoy and savor every moment wag mo isipin na kailangan para makabuo.
Me too had my miscarriaged last 2018 then diagnosed had h. Molar pregnancy last 2019 at sabi ng doctor sakin risk na ko magbuntis ulit kc pwede maulit ung h. Mole ko but dahil na rin gusto pa namin magka baby ulit ni hubby for the second time binigyan ulit kami ni Lord. Prayer lang po mommy dont be pressured yourself. Pero un lang maselan ako sa pagbubuntis ko ngayon.
Anonymous