..

mga momsh, hingi lang po ako kunting advice, kabwnan ko na po ngayong may at sobrang kinakabahan po ako, d ko po alam kung panu gagawin o makkaya ko ba, yung iba po kasi naccs hindi daw po marunong umire, natatakot po ako, first time mom po , at wala din po ako makapitan dahil mag isa lang po ako sa bahay ,2 months pa lang tummy ko ng iwan kami ng tatay neto, iniisip ko din po pano pag madaling araw humilab ung tyan ko, d ko po alam gagawin, d rin po mkapunta mga kaibigan ko dahil sa quarantine, baka po may madvice kayo kahit kunti o para lumakas po loob ko, pasensya na kayo mga momsh,d ko lang po talaga alam gagawin eh, problemado pa po sa gamit, dahil sa ecq,

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy kaya mo yan. Lahat naman tayo natatakot pag nasa labor na. Pero pag nandon kana isipin mo nalang na kaya mo at gusto mo na talaga ilabas siya. Ako po ganun din sayo. Hindi din ako marunong umiri umabot ng 2 hrs at habang nandon ako sinasabi ko hindi ko na kaya gusto ko na macs. Pero nandon kapatid ko at napaka supportive ng ob at pedia kaya nakaya ko. Sa huling iri ko iniisip ko kaya ko to kaya ko ng paulit-ulit at yong nga lumabas din. Laki ng relieve at umiyak pa ate ko kasi natatakot na pala siya para sa akin. Kaya mo yan. Yan ang isipin mo araw-araw. Don’t forget to pray then. Kausapin mo palagi din ang baby mo na hindi ka nya pahirapan masyado. Hanap ka din ng makakasama mo na alam mong hindi ka pababayaan. By the way, single mom din ako kaya ate ko kasama ko ng mag labor ako. Good luck po.

Magbasa pa
VIP Member

Hi po mamsh. Baka po mka pag youtube kayo, search kayo ng ways ano gagawin pag nag active labor na. Helpful po. Yun lng ginawa ko kasi na late nako sa pag enrol sa session. Mas maganda kasi my kaalaman tayo kahit konti sa ano pwedeng mangyari satin. Sabayan po ng taimtim na panalangin at tiwala sa Dios higit sa lahay ng worries mo. Kaya mo yan! Lahat ng babae my abilidad na kayanin manganak :)

Magbasa pa

Bakit magisa ka lang? Wala ka bang pwedeng ibang makasama hanggang sa manganak ka? Pinsan or friend mo baka pwedeng masamahan ka muna nila. Magbasa basa ka narin online kung paano gagawin mo kapag manganak ka na. Sa mga gamit naman try mo sa group na to sa fb https://www.facebook.com/groups/1521355274542156/?ref=share kapag sa shopee kasi tagal ng delivery. Ingat kayo ni baby and goodluck.

Magbasa pa

Kaya Mo Po Yan ako din Po first time mom nung time Na pumutok Na panubigan ko Ang daming negative Na Pumasok Sa Isip ko pero tinatagan ko Lang ung Loob ko and nag Isip ako Ng nag Isip Ng positive. Iniisip ko din Si baby Na Kapag natapos Na Yun makakasama ko Na at mahahawakan ko Na sya Kaya lumakas Loob ko. Kaya Mo Po Yan para Sa baby Mo Po God bless Po

Magbasa pa

Lakasan mo lang po loob mo... Pag manganganak kana 22lungan ka naman ng ob mo at nurses..ako kc ftm din nung nanganak ako nd ako marunong umire kaya nahirapan ako ilabas c baby pero sa tulong ni ob pasalamat ako at nd naman ako na cs at pinilit tlg nya na mainormal ko c baby... ☺️ Kaya mo yan...

Pray lang momshi gaya mo kabuwanan ko din ngayon piro kinakaya ko alang alang kay baby.. Wag ka mag isip ng negatives isipin mo kaya mo. kakayanin mo para kay baby.. Depende sayo kung pano i ire si baby lakasan mo loob mo.. Kakayanin nateng mga momshi to 🙏 LAVAN lang

Kaya mo yan mommy isipin mo lang c baby at lakasan mo loob mo. Dasal lng na dasal na maging safe kay ni baby ang pag ire para kalang tae na matigas wag mo pigilin ganyan din ako makining ka lngbsa doctor mo kung ano sasabihen have a safe delivery mommy ipagdadasal ko kayu ni baby

Hi mamshie pagnagactive labor ka na, kayang kaya pa rin po ang sakit. Keribells pa rin yan haha. Isipin mo lang na palaging kaya mo at kakayanin mo talaga. Mas isipin mo yung excitement na makikita mo na si baby at magkakaroon ka na ng makakasama 😍

lakasan mo lang loob mo mommy first time mom lang din po ako dito but may kasama naman po ako sa bahay. nasan po ba ang family niyo? wala po ako mapapayo tungkol kung paano umire or what pero tibayan nyo lang po loob mo di kayo pababayaan ni god. ❤

Sundin mo lang payo ng doctor mo sis.. proper diet exercise. Search ka sa Youtube or internet may mga exercise para sa buntis para sa madaling panganganak