NO TIME FOR MYSELF

Mga momsh hindi naman po sa makasarili ako pero simula ng magkababy ako wala na talaga akong oras para sa sarili ko. Hindi ko naman ibig sabihin na gusto ko maglakwatsa. Ang gusto ko lang naman mgkaron ng oras na ako lang mag isa habang umiinom ng kape ganon. Yung walang abala. Kahit minsan lang wala talaga ako magawa. Working mom ako trabaho bahay na lang lagi. Yung asawa ko ayaw naman ako samahan lumabas. Kaya kahit mag isa lang ako sana magka oras naman ako para sa sarili ko. Naiiyak na lang ako lalo na at wala akong ibang makausap tungkol sa nararamdaman ko. Pagod na pagod na ako. Sa pagod ko bigla na lang akong nagagalit. Ako na lang kasi lahat. Andyan naman parents ko pero hindi din nila naiintindihan ung nararamdaman ko. Lalo lang sumasama loob ko. Toxic na masyado

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Smile lang momsh. May ganyang levels po tlga. I found my place hahah mostly sa cr khit minsan lang ako maligo hahah. But yes srlsy speaking don tlga minsan nung maliliit pa kids ko. Pero habang lumalali hindi na masyado gnun ka toxic.. makakaya mo rin po yan. 😊💞

Sis Punta ka sa mga Closed friends mo tapos chika chika ng buhay buhay or labas kayo moms day out pra makpagrelax. Mas ok kc na my nakakausap ka at nasasandalan kapag ganyang naddepressed ka para kahit pano mabawasan lungkot mo.