naghahabol na Ex

Mga momsh hindi ko kasi alam paano magstart and paano magvevent out. Napakalaking question kasi nito sa akin. buntis ako 7 months na. Pero nung nabuntis ako medyo malabo kami ng partner ko. Without me knowing na may nangyare ulit sa kanila ng ex nya. Hinahabol pa sya ng ex nya kahit matagal na silang wala. to the point na uuwi sya sa bahay ni hubby and dun bigla matutulog. Nalaman nya na buntis ako at gustong maayos ni hubby yung sa amin, all of a sudden sabi nya buntis din sya. Sobra akong nadevastate. Until now hindi na ako naging okay kay hubby, he is foing his best pero wala na ako trust. Pero di pa yun yung problem ko. Regularly nagpapadala si hubby ng pera sa girl which is fine lang sa akin pero hindi na daw sila nagkikita. But recently may nagmessage kay hubby na hindi daw buntis si girl. In her defense thru a friend, wala daw makita na heartbeat or anything sa ultrasound but the OB advised daw to wait until 6 months onwards to see if meron ba daw talaga. Like WTF. Naloloka na ako. Is it possible na kailangan magwait until 6months??? Ayaw kong magibg judgemental na husgahan nalang sya. Pinagpepray ko palagi na sana okay din sya sa pregnancy nya. Pero ang gumugulo sa isip ko ay kung buntis ba talaga sya o niloko nya lang kami dahil hindi biro ang depression na naranasan ko and ang damage sa pagsasama namin na kahit anung pilit ng asawa ko hindi na mabalik. Araw araw sya umiiyak pero parang wala na ako maramdaman. Please answer me po and advice. I did some research BTW. But i wanted to know from you guys!! Salamat :)

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi kailangang maghintay ng 6 months, girl. 8 - 10 weeks macoconfirm na kung may heartbeat ang baby. Mas okay kung kasama partner mo magpa check up to confirm.

5y ago

Hindi ko po alam if masama ba akong tao para pahirapan ng iba dahil sa ginawa nya. Until now, ayaw ko sya ijudge. Sabi ko sa hubby yayain nya na magpacheck up then sasama ako. Pero wala naman mapatunayan.