Pressure sa Milestone ni LO

Hello mga momsh! Gusto ko lang po mag ask if okay lang na hindi pa nakaka upo ng sya lang ang LO ko? 7mons na sya ngayon. Pero nakaka roll over na sya at malikot. Kasi na prepressure po kasi ako kasi meron syang kasabayan actually mas matanda pa sya ng days lang pero nakaka upo na sya. Napag talunan na namin ni hubby yung issue na to na super akong ma pressure sa milestone nya. Kinakabhan kasi ako baka hindi sya matuto umupo gumapang at mag lakad. Kasi madalas gusto nya magpa karga I tried na tiisin syang kargahin pero hindi talaga sya natigil kakaiyak at the end same kami stress ng baby ko. Sabi ng hubby ko okay lang daw yan at mag tiwala ako sa anak ko. Matututunan daw nya yan.nung unang panahon naman daw walang tummy tummy time pero natututo at hinahayaan lang daw natutoto naman daw. ( hindi na po kasi maka tummy time si LO kasi nakakabalik na sya sa pag kakataob. ) gabi gabi ako naiiyak. 🄹🄹🄹 PLEASE ENLIGHTEN ME MGA MOMMIES 🄲 #FTM #firstTime_mom #firsttimemom

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Trust the timing ng learning curve ng babies. LO ko rin hindi pa kaya umupo. Malikot lang and gumagapang na, but I’m not worried though. Iba iba ang development ng bata Mommy. Wag na wag niyo po icompare ang anak mo sa iba dahil mappressure ka lang talaga to the extent na pati anak mo naapektuhan na. Hayaan mo ung LO mo matutunan ang mga bagay bagay.

Magbasa pa