Haaays pavent mga momsh :(

Hi mga momsh gusto ko lang mag vent. Ang hirap pala ng wala ka sa sarili mong bahay hindi mo magawa ung gusto mo. 3 months na ako dito s bahay ng kapatid ni boyfriend simula nung lockdown gusto ni bf na dito muna ako tumira. Currently 5mos po akong preggy. Ang hirap makisama and ang hirap mag reklamo na napapagod ka na. Working from home kasi ako and may pamangkin syang 2yrs old na iniiwan sa akin pag pumapasok sila sa work. Sinabi ko na sa bf ko na ok lang nman kaya lang sanay sa buhat ung baby and ang bigat nya ayaw palapag that time nasa 1st trimester ako natatakot ako kasi ang bigat ng pamangkin nya baka bumaba matres ko at duguin ako. Madalas na din tlga sumasakit likod ko kakabuhat minsan hinahayaan ko sya umiyak para mag pahinga ako. Ang hirap tumangging ako magbantay kasi nakikisama ako. And since ayaw mag pababa dumadating sa point na napapabayaan ko work ko lahat ng report and calls ko gabi ko na nagagawa pagkagaling nila ng work, ang ending inaabot ako ng 1am para matapos work ko then gigising nanman ako ng 6am dahil iiwan nanaman ung baby.. sobrang konti lang ng tulog ko lagi. Tapos dahil may work sila puro processed food and karne lang ung kinakain nmin minsan lang tlga mag gulay and isda ung asawa kasi ng kapatid ni bf hindi kumakain ng gulay and isda pili lang tlga. Hindi nman ako makalabas para mamalengke kasi wala akong quarantine pass and takot din ako sa virus. Gustong gusto ko na umuwi samin nung may byahe na pauwi ng Cavite para dun na ako kasama mama ko. Atleast dun ung mama ko sobrang maalaga kahit pag hugas ng pinggan sya pa ung gagawa kasi nga nakakangalay pag matagal nakatayo ang buntis.. at mahilig kami kumain ng gulay at isda at laging may sabaw. Ngayon nag away kami ni bf gusto ko na umuwi ayaw nya nman ako payagan.. Feeling ko buong pag bubuntis ko dito sa bahay nila sobrang stress ako and di masyado nakakakain ng healthy foods. Pag nag tatangka akong umalis tinatago nya laptop or cp ko na need ko para makapag work. Halos mag hapon akong nag iiyak ngaun dahil gusto ko na umuwi...mabait nman bf ko kaya lang ayaw nya tlga ako pauwiin.. pero ayoko na dito.. nag paplan ako umalis pag nasa work na sya pero baka dahil dun masira ung relasyon nmin.. di ko na alam gagawin ko.. ilang beses ko na inopen sa bf ko lahat ng nararamdaman ko mag sosorry lang sya pero ganun pa din nman.

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

bayan sis ginawa kapang yaya kapalit nang pagtira mo jan.. hayaan mo magalit bf mo sis kesa mapahamak kayu ni baby at maistress ka sa buo mong pagbubuntis.. umuwi ka nalang sis tutal nasabi mo namn n ayaw mo na jan at napapagod kana, kung gusto ng partner mo xa nalang din ang tumira sa inyu.. kung masira relaxon nyu para sa simple na kahilingan mo na magkaron ng peace n pagbubuntis mas ok na malamn ng maaga.. isipin mo muna sarili mo at si baby sis.. kawawa xa pag ganyan.

Magbasa pa
VIP Member

Naku sis bawal sa atin mga buntis nagbubuhat ng mabibigat :( at kailangan sa atin talaga kumakain ng healthy foods. Sa ngayon kailangan mo isipin at priority dapat kapakanan niyo ng baby mo. Kung saan ka mas maaalagaan dun ka. Umuwi ka sa inyo wag ka papapigil sa bf mo. Nasa huli lagi ang pagsisisi kaya ngayon pa lang magpaka selfish ka muna para sa inyo ni baby. Ako natatakot para sayo :(

Magbasa pa

Sis kung worried ka tlga sa sarili mo at lalo na sa baby mo, kahit mgalit pa bf mo umuwi ka sainyo magpasundo ka sa mama mo. Kung tlga mahal ka ng bf mo maiitindihan ka nya at d masisira relasyon nyo! 3mos nman na, mdaming praan pag gsto. Madaming dahilan pag ayaw. Magtitiis ka o aalagaan mo baby mo? Yan lng option mo sa ngyon. Ingat ka

Magbasa pa

try mo magpasundo sa mama mo. wag ka na mg tiis s gnyan. ikaw rin ang kawawa dapat hndi gnyan nangyayari sau lalot buntis ka ano b nmn yang bf mo sorry ah peo makasarili sila dapat ikaw tong inaasikaso at inaalagaan hndi ganyan. magpasundo k n lng yaan mo sila jan. hindi kc healthy sau ung ganyan n set up bka mapano kau ni baby.

Magbasa pa
4y ago

tama. this time health at safety nio mahalaga. saka m n lng sia problemahin pg nanganak k n.

Sis, baka pwede mo kausapin yung kapatid ng bf at bf mo din. Critical satin buntis ang mag buhat ng mabibigat at kulang sa tulog. Sobrang laki ng epekto po nun kay baby. Naalagaan mo nga yung bata pero yung baby mo naman nag sa suffer. Uwi ka muna sa mama mo sis, the best alaga ng nanay lalo na pag buntis ka din.

Magbasa pa

Hmm Kinausap mo na rin po ba Mama mo about sa situation mo? .. Dapat siguro mas mag vent out ka pa sa bf mo para mas ma realize nya ang situation mo at masolusyonan.. at irespeto ka din dapat nya ... ang kalagayan mo bilang buntis at ang opinyon mo bilang gf nya.. dapat mas mapangalagaan ka pa nga nya dahil buntis ka .

Magbasa pa
4y ago

Momsh hindi nga din alam ng Mama ko ayaw ko mag alala sya sa situation ko ung bf ko naman lagi ko na sya iniiyakan nag vevent out ako puro lang sya sorry pero walang nagbabago.. Minsan nga na nasusumbatan ko sya na di nya man lang naisip na buntis ako bawal ma stress and mapagot puro sorry lang sya pero ayaw nya ako pauwiin samin.

Ang hirap nga po talaga nyan, siguro KUNG ako po yung nasa kalagayan nyo aalis ako kahit di alam ng bf ko, kung mahal talaga nya ako susundan nyako sa bahay namin para panagutan parin ako at unawain. Buntis ka po kasi kailangan laging healthy and maraming pahinga. Ilayo nyo po sana sarili mo sa stress.

Magbasa pa
4y ago

pag hindi ka nya naintindihan ibig sabihin makasarili sya.. sarili lang nya iniisip nya. dapat nga alam nya kung ano mas makakabuti sayo lalo na buntis ka..

Pasundo ka na lang sa mama mo. Mas masarap mag alaga ang mga nanay habang buntis tayo. Wag mo muna intindihin bf mo yung baby mo muna pati ikaw ang iprioritize mo. Ako mas pinili kong mag stay sa bahay ng mama ko habang di pa ko nanganganak at thankful ako kasi naiintindihan ako ng lip ko.

Sis sorry uh pero para sakin, walang bayag bf mo. Di ka binukod? For sure pag nagasawa kau o nanganak ka baka isaksak ka nyan sa byanan mong hilaw. Mas mahirap. Umuwi ka na lang sa family mo. Kung ayaw ng bf mo, sabihin mo, bumukod kayo or else layasan mo. Mastress ka lang jan.

Hayaan mo sila, mas important health nyo ni baby. Ganyan din ex ko noon, pag nag aaway kami, thinithreat nya sirain laptop ko kasi wfh din ako. Ang toxic ng ganyan, buti nakawala ako. Think of your welfare po.