Rashes po ba toh?
Hi mga momsh, firsttime mommy here, ask ko lang na try niyo bang tubuan ng mga rashes na yan grabe ang kati nila. Nasa 1st month nq ng third trimester ng tubuan ako nianππππ any advise? Thank you po in advance...
nagkaganyan din ako mommy pagpasok ng 1st week ng third trimester ko ginawa ko nagpacheck up ako kay ob akala nya allergy kaya niresetahan ako ng antihistamine pero di padin nawawala and nag search ako kung pano mawala ginawa ko nag cocold compress ako ayun kumakalma yung kati nya buong katawan meron ako tapos pinalitan ko sabon ko nag dove sensitive skin ako hindi ako naghihilod dahil lalong mangangati kaya ginawa ko yung bula lang pinapahatid ko tapos pulbo na johnson baby powder milk + rice ayun unti unti nawala and pray lang sobrang hirap pag meron nyan.
Magbasa paparang ganyan din rashes ko. pero nagkaroon ako pagkapanganak ko ky bb, nanganak ako last march then by august nagkaroon ako ng rashes, sobra kati as in. buti nabawasan kasi umiinom ako pgkaminsan ng alnix citirizine antihistamine. di ko alam kung ok kasi di ako makapagp-check up dhl s pandemic. ngchange din ako ng soap. ngyn paminsan minsan n lng kati pero d p naalis ung mga itim itim. then minsan pag nakamot mo ngtrigger pa rin ung kati kaya iwas kamot na lang kesa lagi inom ng gamot
Magbasa paOpo ngaun 9 months na po ako ang kati ng tummy ko ung hita ko may rashes din pati ung boobies ko masakit na kaunting pawis lang ginagawa ko po ung tummy ko nilalagyan ko ng acete de mansanilya para po kung makamot ko man dudulas lang po kuko ko tapos lagi po ako may basang towel para punas at kuskos na din Idk if that will help kasi kahit papaano po nakakaginhawa naman sakin
Magbasa paYes po mommy... Ako nung nasa 2nd semester pa lang po ako lumabas po sa akin sa may likod, hita at kamay.Hindi rin ako pinapatulog sa gabi. Bumababa dw po immune system ng mga buntis kaya minsan nagkakaganyan. Ask mo po sa ob mo mommy ksi sa akin niresetahan po ako ng antihistamine. Tapos pinagbawalan po ako kumain ng isda at mga frozen foods. Gulay at karne po....
Magbasa paAko din nagkaroon nyan mga first trimester dahil ang ginagamit ko sabon ay kojic na may gluta , but now nag try ako gumamit ng DOVE na soap nawala po sya thanks god kase now wala na , sabe ng ob ko mawawala daw pag nanganak ka na pero nagpalit lang ako ng sabin na ginagamit nawala na sya bigla . try mo po mommy . π€π€π€
Magbasa paGanyan din sakin mumsh, nangitim na kakakamot.. puppp nga daw sabi ng OB ko.. try nyo po ung oatmeal soap o grandpa soap.. meron sa shopee.. 300+, nabawasan naman kati at medyo natuyo ung sakin..
buds & blooms ng tiny buds pinahid ko nun effective na sooth talaga yung kati niya at may cooling effect siya nakakaginhawa safe yan kasi all naturals okay na okay sa mga may PUPPP #foreverbaby
same tayo pero yung sakin malala niresetahan ako ointment antihistamine, pero makati padin puppp rash tawag sa kati sabi ni ob mawawala lang daw pag ka anak sobrang damage ng skin ko ngayon
nagkaron din ako ng rashes sa 3rd trimester makati xa. sabi nila tigdas daw. ang masama nito nung aanak n ako tinanggihan ako ng 5 ospital private pa yun bka daw kc makahawa ako.
same Mommy pag pasok ko ng third Trimester bigla ako tinubuan ng rashes, nag consult ako ke OB para sa ointment at sabon nalessen naman after a week nawala nadin.