Hi mga momsh 👋 First time mom and nagkasakit ako kahapon. Sipon (hindi naman sobra), sakit ng ulo, and a little fever ang nararamdaman ko. Feeling ko dahil sa malamigan ako dahil sobrang lamig dito sa lugar namin ngayon. Sabi naman ng OB ko during first check up na wala akong ibang ittake muna na vitamins maliban sa folic acid. Then if need naman ng gamot, paracetamol ang pinakasafe.
So pwede po ba ako magtake na ng paracetamol ngayon? Week 10 na po ako. Ayaw ko na po kasi patagalin pa yung sakit ko. Nagttake na ako ng home remedies like fruits and calamansi juice. Tapos bimpo din para bumaba na ang fever.
Ashlee Shane Asis-Sagario