saloobin(pasensya mahaba po)

Hi mga momsh. Bihira lang ako mag comment or mag post dito ever since na preggy ako pero everyday akong mag oopen just to read some post related to pregnancy that could help me broaden may knowledge about it. Since im a first time soon to be mom? sensya na kelangan ko lang malabas nang sama nang loob ko. Sa mga momsh na nabuntis na wala sa plano pa or let say napaaga ang dating nang blessing sa buhay mo shempre first to react is yung parents nyo pero nasabi ba nang parents nyo especially yung mother nyo na hindi maganda para sa maging apo niya at na magiging anak mo? Nasabi ba niya or pinagdasal ba nang nanay nyo na sana hindi lumabas ang anak mo at sana mahirapan kayo sa panganganak nyo? Kasi in my case ganun ang nangyari. 5weeks preggy na pala ako nung malaman kung may laman na pala. Nalaman ko 3days before my departure na ganun nga so shempre nagulat ako kc nakaset na yung utak ko sa alis ko nagbabarko po kc ako yung time na sana iyon is pangalawa sampa ko na sana but may dumating na early blessing nga kaya hindi ako natuloy. After ko nalaman nagPm ako agad sa magulang ko tungkol sa nangyari ayun nga hindi nagreply expected ko na iyon but nung nakausap ko ang kapatid ko ok lang naman sa papa ko tsaka sa kapatid ko shempre andyan na yan eh tsaka nasa tamang edad nman na ako im 28yrs old at yung boyfriend ko hindi nman ako iniwan sa iri nagulat din sya pero sobrang tuwa nya as well as sa mga magulang nya at mga kapatid sobrang saya at excited nila. Buti nga yung side nang bf ko super supportive sa akin andito ako sa knila sila yung nag aalaga sakin kc wala nman dito ang partner ko nasa barko din. To make the story short yung side ko walang paramdam especially mama ko hndi nangumusta so ako din hndi na rin ako nag attempt na mgtxt ulit sa kanya kc alam ko ang ugali nang nanay ko pero mga kapatid ko lage ko nakukumustahan. Tapos one day tumawag sakin yung tatay ko nangumusta wen im already 5months preggy na. Afterwards sunod sunod na yung txt nang nanay ko na iyon nga ipapadasal daw niya na hindi lumabas yung baby ko na sana mahirapan ako sa panganganak ko hindi daw sila natutuwa na nabuntis ako, na mauubusan naba daw ako nang lalaki para hndi makatikim nang titi. Nung nabasa ko iyun sobrang nanginginig ako sa galit pero hinayaan ko hndi ko sya pinatulan hndi ako ngreply kc kgit anong sabihin ko hndi nakakaintindi ang nanay ko kc mas pinapairal nya ang ganyang ugali nya. Pinigilan ko yung luha ko kc nasa ospital ako nang time na iyon schedule nang prenatal ko. Kaya pguwe iniyak ko nalang pinagdasal ko nlang na maging healthy kmi nang anak ko all the way hanggang sa manganak ako at mailabas ko si baby. Pinapasadyos ko nalang yung mga sinabi nang nanay ko. Sorry po?nagstory telling na ako dito. I just need it too ? Godbless mga momsh ??

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Masakit tlga marinig or manggaling yan sa sarili mong magulang specially nanay. Iwas stress ka muna momsh para kay baby. Block mo muna cgro mama mo sa text or fb para di na sya makapagsalita ng kung ano ano sayo. Intindihin mo na lang din sya momsh. Baka super nabigla lang sya and iniisip nya cgro pano na future mo. Good thing na lang din di ka pinabayaan ni boyfie at family nya. Atlis may tao pdn maglolook after sa inyo ni baby. Laban lang momsh! 😊

Magbasa pa