PWEDE BA MALIGO?
Hello mga momsh! Ask ko lang kung pwede ba maligo ang buntis sa gabi? I'm 14 weeks and 5 days preggy. Thanks for the answers.
Ako po, 2nd baby ko na. 2 times maligo, umaga gabi. Sobrang init po kasi. Nung 1st baby ko na pinagbubuntis ko sya. Kasama ko mil. Ko, di ako makaligo kasi bawal daw. Ngayon sa 2nd naka bukod na kami, nakakaligo nako ilang beses. Pwede yan depende lang sa makakasama nyong oldies
yes po pero patago ako maligo sa gabi. lagi kasi tayo init lalo kapag buntis kaso puro oldies kasama ko sa bahay kaya maliligo ako sa tanghali then sasabihin ko lng na kapag gabe kaya ako nasa cr e nag linis ng katawan hahahah. ang hirap ng oldies kasama puro bawal
yes mi ako naliligo pag wala mother ko kasi pinapagalitan ako 😁 nandito kasi kami ngayon nakatira since nagbuntis ako
yes. i do that everyday.. since my 1st child. especialy if galing sa labas. mahirap na bka may dala taung virus
Opo sa gabi ako naliligo nuon.. Normal naman si baby. Malamig pa tubig nun kasi ang tamad ko kumilos sa umaga
Yes. Night shift ako and working nung buntis ako so gabi talaga ako naliligo bago magwork hehe
yes sis naliligo din ako ng gabi pero pagmalamig nagiinit ako ng water.
yes mi para presko matulog..wag lang magbabad baka lagnatin..
Yes po. Wag lang sobrang lamig or sobrang init ng tubig.
Opo pwede. ganyan ako lagi until now. ☺️