Help Please!
Hello mga momsh.. April 2019 nung nadiagnosed ako na may General Anxiety Disorder and Major Depressive Disorder. April to May 2019 meron akong gamot na minemaintain para di umatake mga 'to. Before ako madiagnose, sobrang stress ako sa lahat ng bagay - Pamilya.. trabaho.. Bahay.. na ang naging resulta kung hindi nananakit ang ulo ko at batok, napaparalyzed yung half body ko. Nag iisip ng negative, nasasaktan ang sarili at pati magpakamatay. Month of May inistop ko lahat ng gamot. Feeling ko kasi lalo akong aatakehin. Then month of August nalaman kong buntis ako. Ngayon, one month na ang Baby ko, di ko alam kung sensitive ba ako masyado o ano basta pag may nasabi lang sa akin na di maganda like ang bobo ko.. ang hina ko.. nag cicirculate lang siya sa utak ko. Minsan pag umiiyak ang Baby ko nasisigawan ko na siya. Mga momsh.. kelangan ko bang bumalik ulit sa psyche to consult? Ang hirap.. nilalabanan ko pero ang hirap. Please. Help.