Ginamit ko di yan sa daughter ko before, then just to make sure na okay lang gumamit niyan nag ask ako sa pedia ni baby and she said no. Apparently, it can affect the liver kaya nag stop na din kami sa pag gamit, better be safe than sorry. Kahit oil ayaw niya, kasi mainit lang daw yun sa pakiramdam ng baby.
My cousin is my OB po and di nya recommended ang manzanilla at oil sa baby. OIL causing pneumonia po, why? hindi nalilinis o natatanggal ang dirt sa balat ni baby na possible pasukan ng bacteria dahil sa oil nakakapit, pwede siguro before bath ni baby. Use warm lotion po, search niyo nalang po :)
as per my pedia hindi po talaga sila naciconvince ipagamit yang manzanilla sa mga bata or babies... dahil mas nakakasama daw yan sa baby.. simula non eldest ko never ko ba pinagamit nian pag masakit ang tyan ang nilalagay ko ung maligamgam na tubig..ipapating ko sa tyan nia
may napanood po ako about sa ganyan.. kasi oil based po yan, once pinahid sa balat especially pag bagong paligo si baby ng maligamgam so nag oopen ung pores ng skin tas papahiran ng acete. nabablock ung pores imbes na pagpawisan si baby so parang ganun po ung explanation
hindi maiiwasan ang kabag ng bata hanggang mag 4months, ang gawin mo mommy kapag mag dedede si baby ibangon nyo ho sya tas pag tapos sya mag dede laging iburp si baby hehe. mas naiipon ang gas sa baby kapag nakahigang pinapadede😊
try mo nalang sis ibang klaseng manzanilla ung di gaano mainit. like manzanilla alcampurado. try mo lng dati kse green manzanila menthol din gamit ko sa first baby ko pero sobra kseng menthol kaya pinalitan ko ng bago. 😊
Konting amount lang po mommy. And I don't use it everyday kay lo. Llgay lang ako ng Konting amount sa siko at tuhod then patak sa damit ni lo. So far okay naman sya. Lumaki din ako ginagamitan ng Manzanilla.
personally wala ako pinahid sa daughter ko. para iwas kabag, make sure napapaburp si baby after feeding. may mga massage oil din kay baby pwede nyo po icheck yung line of oils ng Tiny Buds
i used that sa 1st born ko and mas lalo naging maselan. following the grannies kc ako dati. now on my 2nd, i never used any of that and my baby is all good.
Marami pong laking manzanilla kuno. Pero alalahanin niyo din na marami ng mga bagong pag aaral o research.kaya hangga't maaari pinapaiwas na po sa paggamit niyan..