Manzanilla

Mga momsh, 2months na ang baby ko.. And I keep on using this kinda green ointment ky lo, lalo na sa gabi. cmula sa ulo para Di malamigan ang ulo since naka aircon kami, hanggang sa paa nya nilalagyan ko padin kht naka medyas c baby. Even every diaper change, nilalagyan ko ung balakang nya at tyan nya. Halos naka ubos nako ng dalawang malaking ML ng bote nito. Until I realized, to search it kung pano ba talaga gamitin. Then nabasa ko sa madaming reviews don't used Manzanilla daw dahil it can cause pneumonia ky baby. Grabe nagulantang ako, and feel guilty, kase masama pala? ehh kasi naka sanayan na na ito ginagamit iwas kabag... Nagpabili pa naman ako ky Hubby ng dalawang maliit ngaun sa grocery, Di ko tuloy alam kung ipapahid ko pa ba ky baby to, or not? Then kung hindi na, ano pwedeng ipalit sa Manzanilla na pedeng ipahid para iwas kabag?????? Thanks sa makaka notice. #1stimemom #advicepls #firstbaby

Manzanilla
45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Remember na laking manzanilla tayo Mommy. ☺️ Hindi naman tayong mga batang lumaki sa manzanilla ay may pneumonia or may malaking chance mgkaron nito just because pinalaki tayong pinapahiran nito. Nasa lifestyle pdin ng tao habang tumatanda bakit sila nagkaka pneumonia. 😁 Tamang gamit lang po ng manzanilla mommy. Kunh pwede po as needed lang. Kapag may kabag si lo at anti alimum ipahid sa talampakan. And make sure po mapahid nyo ng mabuti kapag bath time ung mga area na nalagyan ng manzanilla. Hindi ko alam anong klasing ligo ginagawa ng ibang nanay bakit hindi nila naalis sa katawan ng baby ang manzanilla e may sabon naman. 😂 Unless siguro kung binuhusan ng langis ung bata or nababad ng manzanilla baka di talaga kumapit ang tubig at sabon sakanya 🤣 Kidding aside, go lang mommy. Madami ako kilala na hanggang ngayon lumaki at pinapalaki sa manzanilla and healthy naman, depende sa lifestyle.. Lahat naman po ng bagay basta tama ang paggamit hindi makakasama. Just sharing my thoughts, Godbless po Mommy.

Magbasa pa
VIP Member

pwd pa nman mamsh bsta di gnun krme. ung baby ko at first gngmitan ko rn nyan nun nung newborn sya even every paligo time kse sbe nga para di rn mapasukan ng hangin pero nung nbsa ko about sa mga gnyan iniwasan ko na at ngaun di nko nagamit nyan kht maliligo as in wala nkong pinapahid na mga oils na kht ano kse nkakatkot tlga. pro my times prn na naglalagay ako pero sobrang madalang nlng tlga. okay lng maglagay bsta wag mo lng dadamihan. for example sa isang buhos mo sa palad mo panlahat na un mula sa tyan likod, kamay, pa at bunbunan kumbaga iisahin mo lng wag kna ulit magbuhos sa palad para di gnun kakapal ung oil.😊

Magbasa pa

Tiyan ang pinapahidan ko ng manzanilla para iwas kabag , at minsan pag hindi mka poop ng ilang araw pinapahiran ko ang likod upper kunti sa balakang at nkkapoop baby ko (before 1 yr old)... big help ito sa akin now 22 months na baby ko minsan nlng ako gagmit... Pag gagamit po kayo wag yung parang buong katawan na ni baby po.... and be sure to wash properly yung pinahidan nyo para iwas germs.... search Dr. Richard Mata pedia po sya sa YouTube best explanation sa manzanilla at wala nmn syang sinasabi na nkka pneumonia po ito momsh ❤️

Magbasa pa
VIP Member

my own son believed to have prolonged jaundice because of manzanilla.. almost 3 months. We did ultrasound to check if he has biliary atresia, luckily he hasn't. We did blood type testing para ma check baka di akma yung dugo namin. hindi din dahil same kami ng blood type. pinaarawan.. then suddenly the pedia ask kung gumagamit daw ba kami ng manzanilla.. inistop ko sya lagyan ayun nag improve na yung kulay niya at naging normal... I use alcamporado kapag kinakabag sya..

Magbasa pa

yan din gamit ng baby ko kapag may kabag at malamig. sa tyan ko lang yan nilalagay at sa paa, after maligo and wash sa gabi. kapag malamig ang panahon, every diaper change, gumagamit din ako nyan pero nung uminit ang panahon id stop using it kasi nag rashes ang tyan ni baby. masyadong mainit siguro. and then ngayin balik ako sa pag gamit ngan kasi kinakabagan sya.

Magbasa pa

sabi din ng OB ko, wag maglagay ng manzanilla dahil mainit sa balat & nagca-cause ng pneumonia later on (kaya daw madaming adults ang may pneumonia dahil sa mga maling nakasanayan). try mo po yung tinybuds calm tummies oil tapos i-I LOVE U massage mo po & bicycle exercise, morning & before going to sleep para iwas kabag si baby.

Magbasa pa

Yan gamit ni baby ko, since pinanganak ko sya. At 6 months na sya ngayon. Nilalagay ko lang sya sa bunbunan, palad ng paa at sa tiyan. Sa awa ni God wala naman pneumonia baby ko, ni hindi nga sya umuubo since pinanganak ko. Sya. Kaka pa check up ko rin sakanya at wala rin sya plema. Dipende pa rin siguro sa pag gamit.

Magbasa pa

Based on my experience, I tried calm tummies ng tiny buds kay lo pero walang effect di nawawala ung kabag nya, sa manzanilla lang talaga sya nahiyang. 1-2 drops lang lagi amount na pinapahid ko kay lo, then we do iloveyou massage and bicycle kicks. Ito rin gamit ko sa first born ko, so far okay naman, 9y/o na sya ngayon.

Magbasa pa

Base sa BHW namin dito sa brgy, yan tlga ang best pahid kapag kinabag si baby. Lalo na nung sobrnag iyak ng baby ko hindi ko alam gagawin ko tas pumunta yung BHW na antie ko pinahiran niya yung tiyn at likod ng babyko ayun tumahan agad. Wag mo lng damihan mamsh at ok lng naman kahit baby oil nalang ilagay mo sa ulo niya.

Magbasa pa

Mas magandang wag kanang mag lagay ng kahit anong oil kay baby mo. Hindi din naman nakakahelp yan kay baby. Okay lang ang oils kapag mamasahe ka sa kanya tapos punasan mo din ng maligamgam na tubig para di magstock sa katawan niya(no to manzanilla) . mag bonet ka nalang kung ayaw mo malamigan ulo ni baby.

Magbasa pa