kailan mararamdaman ng ina ang pag-galaw ng kanyang baby sa tiyan?

Hello mga momsh. 14weeks pregnant na po ako and ang liit parin tingnan ng tummy ko. Ask ko lang mga momsh kailan po natin pwdeng maramdaman ang pag-galaw galaw ni baby sa loob ng tummy ntn? Kasi minsan nagwo-worry ako dhil noon nararamdaman ko ung unting pagpitik niya pero now parang wala tapos sumasakit lower back ko pero pain tolerable naman. Ganun po ba tlga mga momsh? #1stimemom #advicepls #pregnancy

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

14 weeks na din ako ngayon. pitik pitik lang din nararamdaman ko. pero ngayon mejo wala. dati kasi ganon din. may mga araw wala tapos minsan sunod sunod na araw nararamdaman ko. mejo masakit din yung likod ko. ngalay ganon. parang kahit nakahiga ako nangangalay pa din parang buong likod ko kasama. ganon din ba sayo?

Magbasa pa
3y ago

oo sissy. pray lang at wag masyado mag iisip ng negative. as long as wala ka naman spotting oks lang yan. pahinga lang din. ingat momsh

TapFluencer

14w2day na din po ako sa ngayon po talaga hindi pa mararamdaman ang pag galaw ni baby mga 19-20weeks po ramdam na ang pag galaw wait lang po tayo ng mga ilang weeks pa excited nadin po ako maramdaman ang baby ko hehe 🥰❣️

nong 18 weeks dun ko po una na feel yung small lng na prang nag fuflutter mii, pero mas naramdaman ko talaga siya nong 20 weeks na ako. ganun dw talaga mi bsta first baby late na siya nagpaparamdam :))

3y ago

yes po same po mhie😊

Sa first baby ko 3months higit pa lang ramdam ko na, siguro dahil posterior placenta ako pero ngayon sa 2nd baby ko 13wks and 6days na ako wala pa tlga maramdaman 🥴 iba iba tlga ang pregnancy.

3y ago

Iba iba po hehe. Sa first bby ko as early as 13-14wks ramdam ko na movement niya. 😊 Ngayon sa 2nd wala pa.

Pag first pregnancy mas matagal tlga mafeel. Nung 1st first pregnancy ko around 20 weeks ko na nafeel kicks ni baby. Itong 2nd pregnancy ko na nman 18 weeks ramdam ko na.

18 weeks nararamdaman ko na pag galaw nya sa loob. Pag hinahawakan ko nawawala. Ngayong 20 weeks na ko mas nararamdaman ko na sya at nakakapa ko na mga sipa nya.

16 weeks ko today..2nd pregnancy..maaga ko sya narmndamn cgro mga 13 weeks..pero parang nalangoy lang😅lalo na pag hinhawakan sya ng papa nya❤

3y ago

halos same tau mi, pero sakin kapag hinahawakan din ng daddy niya mas lumalaki tummy ko ...

VIP Member

ako nga 18w6d na ako pero wala parin akong nararamdaman😢 pero everyday ko naman sya pinapakinggan sa fetal doppler kaya panatag ako...

3y ago

as early pregnancy lalo sa mga pang 2nd baby na is nararamdaman na talaga ung kicks ni baby paminsan minsan nga lang kz maliit pa sila masyado kaya dont expect and dont worry kung di nyo pa po totally ramdam ung kicks ni baby pag 16 weeks😊

buti ka pa wala pa, sa akin since sinabi na namin sa family namin both sides, 15 weeks pa lang ako sobrang visible na ng puson ko

sakin dati 22weeks my pumipitik pitik pero 24 to 26 weeks bago ko siya naramdaman ng husto normal labg daw sa mga 1sttime mom un eh

3y ago