Hi mommy, start na po yan sa journey mo ng pag lalabor. Share ko po experience ko from false labor to true labor, pag sakit ng pelvic bone una kong na-experience after 3 days or 2, paninigas naman ng tyan ang dumagdag, kaya pa naman tiisin ang sakit ng dalawa, then after 1 week before the big day, ihi na ako ng ihi at nasakit na puson (note to difference between ihi & panubigan:: pag kayang pigilan— ihi ; pag hindi mo kayang pigilan ang pag labas sa pempem— panubigan). One day before the big day, ang sakit ng pelvic bone, tyan at puson ko is halos grumabe na, na parang magkaka menstruation ako pero kinakaya mo padin ang sakit, hanggang sa every 5 mins nalang interval ng pain, consistent to 5 mins na talaga kaya pumunta na kami sa birthing clinic.
Always monitor intervals ng pag sakit kasi dun mo talaga masasabi na need mo na pumunta ng clinic or hospital para intayin ang true labor mo.
Hoping for your fast and safe delivery mommy, don't forget to follow your mother's instict (alam at ramdam mo sa sarili mo ang mga susunod na mangyayare sayo sa panganganak) 😊
Kaya mo yan! 🤗
Magbasa pa