Umiiyak si baby habang tulog
Hi mga moms, this is our new prob now bagong lipat kami dito sa QC, nakwento na ni hubby na etong bahay na to ay may entity na nanggugulo pero since di kami both matatakutin ni hubby kaya di big deal. Eto na, currently on our 3rd week at pang 3 nights ng di makatulog ng maayos si baby who is 20 months old, at first akala namin normal na nananaginip lang or what pero sa mga sunod na araw ganun pa rin, bigla na lang iiyak si baby sa pagkatulog at yayakap ng mahigpit sa Daddy nya, di sya yung babalik agad sa pagtulog na karaniwan nyang ginagawa, nakayakap lang sya sa Daddy nya ng mahigpit, at don lang namin naisip na baka ginagambala si baby. We pray to God about it everyday, may ginawa na ring pangontra si hubby pero ngayon lang umiyak ulit si baby at yumakap sa Daddy niya, at eto pa biglang nagtayuan balahibo ni hubby habang mahigpit na nakayakap si baby, nanalangin lang kami ng taimtim, at sabi ni hubby bukas magaalay daw sya ng pagkain para sa ibang nakatira dito. Actually saken di talaga ako natatakot at matatag Faith ko sa Dios, nagaalala lang ako kasi kawawa si baby. Any suggestions how to handle this kind of situation, wag lang lipat bahay ulit kasi wala pang work si hubby.