Working in 3rd Trimester

Hi mga moms. I am currently in my 32 weeks term. And ito na mga nafifeel ko: hirap huminga kahit nakahiha, nakaupo, nakatayo. Masakit puson, mas masakit pag morning and evening. Super bigat sa puson and pubic area lalo pag naglalakad. Super dalas magwiwi. Lower back aches. Inaantok lagi. Bigla nahihilo minsan. Ask ko lang if safe pa ba magwork? Balak ko kasi isagad sana hanggang end of June bago magleave for my July 22 due date. Kaso nahihirapan na ako. Work ko pa naman sa field mostly. Madalas puro byahe arpund metro manila and commute lang. #pleasehelp #bantusharing #3rdtrimester #workingmama

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

if may mga discomforts ka na lalo na yang sakit ng puson. inform your OB at humingi ka na ng clearance sa kanya to have an early leave. want to share to you my story lang para sa awareness, hindi sa pananakot po.. sa 1st baby ko (3yrs ago), 32weeks ako nun nagwowork pa rin ako. walking distance (5mins walk) lang yung bahay namin from the hospital kung san ako nagwowork as a nurse. same, ganyan ang pakiramdam ko nun, hirap na masakit puson,likod, Di ko pinansin yun kasi sabi ko dahil siguro sa pagod ko sa duty sa dami ng pasyente at malaki at mabigat na rin si baby plus malikot pa sipa rito sipa roon. sabi ko na kayang kaya ko pa naman, sayang din ang maiipon ko kung magearly leave ako. di ko alam na yung mga nafifeel kong sakit ng likod, lalo ng puson e isang sign na pala yun na need ko na talaga magrest for the baby kasi sya di na pala nya kaya like nasstress na sya. Sabi ko pa nun magleleave ako pag mga 3weeks before edd ko. pero tragedy happened, paguwi ko one time from work, nagtataka ako di ko na sya nafifeel, lik nung nasa hospital pa ko malikot e, so tumakbo kami agad ni husband sa OB ko and upon ultrasound, wala nang heartbeat si baby, kakatigil lang as described pa ni sono. upon assessment nung nailabas ko sya via normal delivery, no problems sa heart, brain, no infection, but stress at pagod daw. kaya pa ng katawan ni mommy but si baby di nakayanan a sexplained to me. so sinisi ko sarili ko nun, 1month na lang e ilalabas ko na sana ng buhay, magleleave na sana ako nun, pero nailabas ko sya ng wala nang buhay.. wag ka na magdoubt at manghinayang pa sa gagamitin mong leave or sa mawawalang sweldo kung no work no pay ka. katawan mo na mismo nagsasabi sayo na magpahinga ka na for uyour baby. early leave na- file mo muna ng sickleave yan then saka ka magmatleave pag nanganak na. Ganyan na yung ginaw ako sa 2nd baby ko. 28weeks pa lang nakaleave na ko, at ngayon, thank God, healthy atasayahin ang 3months baby girl ko (same birthdate sila nung 1st baby ko) Godbless you and baby πŸ™

Magbasa pa
3y ago

awwwwww so sad to hear that mommy.. 😭pero tingin ko yang story mo na makakapagconvince sakin na mag-early leave na nga. same kasi sa nafifeel mo, feeling ko baka kaya ko pa. kaso sobrang hirap na rin talaga eh. lalo pa sayo long hours ka siguro nakatayo sa work. sakin naman, puro byahe ang work ko. Anyway, thank you for sharing your story and I'm glad na you did better na on your 2nd baby. God bless you and your family too. πŸ’–