Working in 3rd Trimester

Hi mga moms. I am currently in my 32 weeks term. And ito na mga nafifeel ko: hirap huminga kahit nakahiha, nakaupo, nakatayo. Masakit puson, mas masakit pag morning and evening. Super bigat sa puson and pubic area lalo pag naglalakad. Super dalas magwiwi. Lower back aches. Inaantok lagi. Bigla nahihilo minsan. Ask ko lang if safe pa ba magwork? Balak ko kasi isagad sana hanggang end of June bago magleave for my July 22 due date. Kaso nahihirapan na ako. Work ko pa naman sa field mostly. Madalas puro byahe arpund metro manila and commute lang. #pleasehelp #bantusharing #3rdtrimester #workingmama

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

if may mga discomforts ka na lalo na yang sakit ng puson. inform your OB at humingi ka na ng clearance sa kanya to have an early leave. want to share to you my story lang para sa awareness, hindi sa pananakot po.. sa 1st baby ko (3yrs ago), 32weeks ako nun nagwowork pa rin ako. walking distance (5mins walk) lang yung bahay namin from the hospital kung san ako nagwowork as a nurse. same, ganyan ang pakiramdam ko nun, hirap na masakit puson,likod, Di ko pinansin yun kasi sabi ko dahil siguro sa pagod ko sa duty sa dami ng pasyente at malaki at mabigat na rin si baby plus malikot pa sipa rito sipa roon. sabi ko na kayang kaya ko pa naman, sayang din ang maiipon ko kung magearly leave ako. di ko alam na yung mga nafifeel kong sakit ng likod, lalo ng puson e isang sign na pala yun na need ko na talaga magrest for the baby kasi sya di na pala nya kaya like nasstress na sya. Sabi ko pa nun magleleave ako pag mga 3weeks before edd ko. pero tragedy happened, paguwi ko one time from work, nagtataka ako di ko na sya nafifeel, lik nung nasa hospital pa ko malikot e, so tumakbo kami agad ni husband sa OB ko and upon ultrasound, wala nang heartbeat si baby, kakatigil lang as described pa ni sono. upon assessment nung nailabas ko sya via normal delivery, no problems sa heart, brain, no infection, but stress at pagod daw. kaya pa ng katawan ni mommy but si baby di nakayanan a sexplained to me. so sinisi ko sarili ko nun, 1month na lang e ilalabas ko na sana ng buhay, magleleave na sana ako nun, pero nailabas ko sya ng wala nang buhay.. wag ka na magdoubt at manghinayang pa sa gagamitin mong leave or sa mawawalang sweldo kung no work no pay ka. katawan mo na mismo nagsasabi sayo na magpahinga ka na for uyour baby. early leave na- file mo muna ng sickleave yan then saka ka magmatleave pag nanganak na. Ganyan na yung ginaw ako sa 2nd baby ko. 28weeks pa lang nakaleave na ko, at ngayon, thank God, healthy atasayahin ang 3months baby girl ko (same birthdate sila nung 1st baby ko) Godbless you and baby 🙏

Magbasa pa
3y ago

awwwwww so sad to hear that mommy.. 😭pero tingin ko yang story mo na makakapagconvince sakin na mag-early leave na nga. same kasi sa nafifeel mo, feeling ko baka kaya ko pa. kaso sobrang hirap na rin talaga eh. lalo pa sayo long hours ka siguro nakatayo sa work. sakin naman, puro byahe ang work ko. Anyway, thank you for sharing your story and I'm glad na you did better na on your 2nd baby. God bless you and your family too. 💖

Hello mi, share ko lng , ako kasi pinag early leave na ako ng OB ko @ 33 weeks same po sakin ng pakiramdam super hirap po ako lalo na sobrang init ng panahon ngayon, inisip ko rin noon na isagad ung leave para hindi sayang kaso need po na talaga nag earlyleave dahil hirap na nga din po ako at inoobserve ko rin po ung low amniotic fluid ko. Kaya kung hirap na po kayo wag na pong mag dalawang isip kasi para sa kapakanan po ng baby ito, itong stage po kasi ung mahirap need po natin imonitor si baby to avoid premature birth and worst is still birth😢 God bless po sa lahat ng mommies, hoping for safe delivery saating lahat🙏 keep praying po kaya natin lahat🙏

Magbasa pa

same tayo ng feeling at july 23 naman ang due date ko magkasunod pla tayo pero first baby ko to ganyan din ako hirap ako makatulog sa gabi kc ung position ko pero lagi lng akong left side tapos naglalakad lakad nadin ako pa unti unti kahit papano. Tapos mabilis kna mapagod kc mabigat na c baby hehe pero ndi nmn ako inaatok wiwi lng din lage minsan masakit din ung puson lalo na pag magalaw sya masyado narranasan mo ba ung manhid minsan sa ilalim ng dede?dun sa pinaka taas ng tyan mo?kasi ako ganun tapos naninigas ung tyan ko..

Magbasa pa
2y ago

update lang mga mommies, I gave birth at 34 weeks and 2 days. Pre-term birth and CS. 🥲 Luckily, my baby is healthy. Pero grabe kaba kasi we didn't know what would happen. Anyways, thank you for all your comments! God bless us mga mommies.

mag leave kana mii kung nahihirapan ka. I'm in my 33 weeks and I started my leave nung 30weeks ako. Actually ang original plan ko is mag leave pag 37weeks na pero nahihirapan na kase ko. Di na rin Kase ko papaabot sa due date ko Ng July, June CS na ko as soon as mag fullterm SI baby sa 38th week. rest kana mii if may enough ipon ka na

Magbasa pa

same lang tayo mii,first time Mami ako and July 19 due date ko madalas din kaming nabyahe nang partner ko naka angkas sa motor namen,ang advise sakin nang ob ko wag na daw ako masyadong magpakatatag pagtungtung na lang nang July ako magpatagtag para maiwasan ang early labor,keep safe mami#teamjuly

same sakin mi ganyan na ganyan.. pero housewife lng ako.. mejo hirap lang ako kasi laging nsa work hubby ko at kami lng ng isa kong toddler ang laging nasa bahay.. normal lang po kaya ung pananakit ng pwerta lalo pag naglalakad o nakatayo? 32wks pregnant dn po

Nakakabilib ka naman mi. Ako ngayon mag 32 weeks na din and ang hirap na halos kumilos kasi yung pressure nasa puson ko pati pwerta kaya kahit paglalakad ng matagal nahihirapan na din ako. Mas okay siguro mi if mag pahinga ka muna talaga.

july 21 din EDD ko pero scheduled CS ako for July 11. Nag-file na ako ng leave starting June 1. Pareho po tayo ng nararamdaman mommy kaya minabuti ko mag leave early para makapag rest.

if may discomfort po stop ka na po muna hingi ka clearance sa OB mo po. its for your baby's safety rin po

same po tayo edd july 22. and nakaleave napo ako, dina kase tlga kaya ang bigat na ng pakiramdam.