Boob grabbing

Hi mga moms, ask lang if normal pa ba ung palaging dinudukot ng 15m baby ko ung dede ko? As in ayaw nya matulog pag di niya madukot or iiyakan nya ako. Kahit sa kili kili ko, gusto niya isuksok kamay niya. 13m palang nag bottle feed na ako since I need to wean him. Pero starting ng 15th month niya, ganyan na trip niya. Minsan masakit na talaga kakatulak niya. Help please 🥺

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pang comfort niya po yun. Ganon kasi pinsan ko nung baby. Panatag siya kapag nahahawakan niya dede ng mama niya. Isipin niyo na lang po nung mga bata tayo (ewan ko po kung na try niyo hehe) nakakatulog tayo ng nakatalokbong ng kumot. Or in my case, nung bata ako nakakatulog ako kapag maidikit ko kahit ano part ng katawan ko sa mommy ko. Ganon din po yun sa baby mo. Sa dede nga lang 😅 Try niyo po tanggalin yung kamay niya sa dede niyo tapos i-comfort niyo (like haplusin), para hindi na siya sa dede maghanap ng source of comfort.

Magbasa pa