atty.

mga moms . ask ko lang if may aLam kayong Link na tru online fb na pede mag ask sa atty. about children's right . ganto Kasi mga moms yung tatay ng anak ko matagaL ng di nag susustento sa anak nya . samantaLang puro pasarap lang sa buhay ang ginagawa . may stable syang work pero di paren marunong mag sustento sa bata . hinde kami kasaL pero diba may case sa mGa ganon . gusto kolang sanang turuan ng Leksyon!? sobra ng kampante sa sariLi . gusto ko sana muna maitanong sa atty kung ano bang pedeng isampang kaso sa kanya . Tia mga mamsh? sana may Pumansin?

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy punta ka ng womens desk sa kahit anong police station.. Alam na nila gagawin.. Sila na din mag sasampa ng kaso.. Economic abuse

OK lng nmn mgpaadvice ka sa Public attorneys office libre yun sis, o punta ka sa piskalya (prosecutor's office)

Lapit po kayo sa PAO pwede po sya violence against women and children

Economic abuse under RA 9262 mamsh pwede ikaso sa kanya

VIP Member

Punta ka sa PAO City Hall malapit sa lugar niyo po.

VIP Member

Usap muna kayo sa brgy

Ganyan din ako momshie sa una ko,after ko manganak walang sustento ni singko. After ko manganak umuwi nako samin naghiwalay na kami parehas pa kami teenager noon eh,ngayon 6yrs old na anak ko saka nila gusto makita. Di ko pinaapilido sa ama kaya wala sila habol ngayon. Hinayaan ko nalang na di magsustento,inisip ko nalang na kaya ko palakihin mag isa anak ko ng wala siya,kasi wala naman siyang kwenta.

Magbasa pa
VIP Member

Pde ka lumapit sa public attorney's office (PAO). Pwede siya kasuhan ng VAWC. May nabasa ako dito sa app na ganun ginawa