Housewife

Hello mga moms. Ako lang po ba or meron din iba na nalulungkot or nahihiya sa husband nila kasi naparesign sa work dahil mahirap pagbubuntis. Kasalukuyan pa nagiipon para sa panganganak, so far 6 months na kulang na kulang pa rin, wala pa gamit si baby. Sana po umabot yung budget 🙏 sana makaraos tayong lahat mga mommies. Praying for everyone 🙏🙏🙏 no hate po. Need ko lang ng makakausap and enlightenment. 🥰

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mi. ako di naman ako nagresign pero si hubby nung sinabi ng ob ko na maselan ako magbuntis at need ko mag infinite leave muna sa work, ayaw nako pabalikin ni hubby sa work ko. nagalit pa siya saken nung kahit pinapaleave ako ng ob ko sa work e gusto ko parin pumasok kase alam ko na kaya ko pa. actually, nahihiya ako kase ayoko nammroblema siya sa budget though malaki naman kita niya kaso dami namin expenses. di naman siya nagrereklamo sakin masaya siya kahit nahihirapan na siya lahat pati mismong pagbudget at pag asikaso sakin. ako lang may problema sa sarili, kase minsan delay sahod niya tapos may urgent na need bayaran di siya mapakali. pati tuloy ako di mapakali ayoko kase na nammroblema siya. nasa isip ko kase kung meron lang din ako somehow makakahelp ako sakanya. pero di niya talaga ako pinapagastos even before gusto niya siya lahat😅 wala siyang reklamo hehe btw 8 months nakong preggy going 9 months na next week at kabibili lang din namin ng gamit ni baby nung isang araw :) ang problema ko lang after ko manganak, ayaw nako pagworkin ni hubby😅 Praying for your safety mi and sa family niyo ni baby 🙏

Magbasa pa

Hi mommy. I hope na mutual decision nyo naman ni hubby ang pagresign mo. If agree naman talaga sya sa decision, then try not to feel bad. It means that he truly cares and just wants what's best for you and the baby ☺️ Unfortunately, mom guilt is real, kahit ano pa gawin mo. If you become a stay-at-home mom, magi-guilty ka for not being able to contribute financially. Kapag nagwork ka naman, magi-guilty ka for not always being there for your child. Just do what works best for you and your family. Be kind to yourself, and I hope your husband continues to be supportive. Kung mahirap ngayon, i-10x mo pa ang hirap at sakripisyo kapag lumabas na si baby. We all need all the help and support we can get ☺️

Magbasa pa

thank you mommies!!! 🥰 sobra po kayong nakakamotivate lahat. buti nalang po tlga si hubby nauunawaan niya na mahirap po tlga magbuntis base na rin po sa mga kakilala nya, tlgang maraming maseselan magbuntis kaya ang sabi nya okay lang na tumigil ako ng trabaho. yun lang po tlga normal na nga po siguro yung mom guilt lalo na di po ako sanay dumipende sa ibang tao or nung magboyfriend pa lang kami. as much as possible kung kaya ko po magprovide financially magpprovide ako even sa family kahit paliit liit lang. naisipan ko po magwork from home night shift, virtual assistant. isip ko lang po kung tumatanggap sila ng mga preggy. kmusta po mga naapplyan ninyo during pregnancy? okay naman po ba sila?

Magbasa pa
VIP Member

hi momsh..wag ka mag alala..di ka nag iisa...ganyan rin kami ng hubby ko 4yrs ago...nag resign rin ako sa work dahil maselan rin ako mag buntis at di pa kmi nakaipon tlga ng bongga...sobrang tipid kmi nagkanda utang utang pa kmi sa parents nmin...pero feeling ko swerte si baby kc nakahanap agad ng lilipatan work si hubby na kaya macover lahat ng expenses namin...ngayon nmn bayad na lahat ng utang...at nakapundar na kmi ng bahay at kotse..sobrang thankyou ako pray lng tlga sis...ibibigay rin sainyo sa tamang panahon at konting tyaga at sipag lang makaAhon rin kayo mahirap lang tlga sa umpisa...nakaka stress talaga at nakakadrepress pero laban lang

Magbasa pa

bat ka mhihiya mhie.. una sa lhat bilang buntis kailngan mo ng phinga pra mging safe c baby. pnglwa, responsibilidad ng tatay ang mgwork..mging good provider. kaya dika dpt maguilty. in the first place, dika nga dpt ngwowork dhil that's their job bilang lalake sa pmilya nyo. Kaya yan mhie, kmi nga din ngstruggle sa gastos nung ngbubuntis ako, na nicu pa baby ko.. buti nkpgloan aswa ko sa sss at the same time, may nkuha akong maternity benefit sa sss.. nga pla mhie, nghuhulog kaba sa sss mo? kse mkktulong ng mlaki ung matben sayo lalo dika ngpalya ng hulog then kpg malaki din nhuhulog mo malaki makukuha mo.. nasa 70k yta kung nsa max ang hulog 😊🙏

Magbasa pa
2y ago

hello mhie.. thank you sa encouragement mhie. 🥰 okay lang po ba ask ano nangyari kay baby why na-NICU? opo naghulog ako for 3 mos. kasi wala po akong hulog sa sss nung employed ako. government po kasi tapos hindi permanent position. kaya nito pong January nagself employed ako sa sss then hinulugan ng 3 months. around 8k din po nabayaran namin. how much po kaya makukuha kung nasa 8k yung nahulog na?

wag po kayo maguilty if nag agree naman sya sq pagreresign nyo. tsaka isa po tlga yan sa responsibility ng isang father, ang mag provide. Pwede din kayo humanap part time kung gusto nyo po tlga makahelp. Yung mga post post lang po like sakin, deca homes agent po ako. Post post lang baka sakaling may makuhang buyer, wala naman masama tsaka magandw kasi nasa bahay lang ako haha Wala pakong client since kakastart palang pero hoping magkaroon na. Laban lang mommy kaya natin to 💖

Magbasa pa

Ako mii minsan naaawa ako sa partner ko kase sa kanya lahat ng gastos namin tapos kulang na kulang pa sahod niya. Minsan ramdam ko nahihirapan din sya kaya nakaka-guilty. Gusto ko mag-work kaso maselan ako. 6months na din ako at wala pa kami ipon,inaasahan ko nalang scholarship ko na sana dumating bago ako makapanganak😔

Magbasa pa
VIP Member

hi mi ako nagresign po ako sa work since malayo na location ko. Ang ginagawaa ko po mamsh is nag apply ako as Virtual assistant work from home naman and plan na manganak sa fabella para tipid tipid den. 😊

Related Articles