HOSPITAL BILL
Hello mga mommy! Mag tatanong lang po sana ako sa may mga experience na dito if magkano possible magstos kapag normal and CS delivery and kung sa public or private hospital din po. Magkano rin po kaya nakakaltas ni Philhealth? Sana po may makasagot. Wala po akong idea sa possible actual expense. Thank you! #firsttimemom #firstbaby
nung nanganak ako wala ako philhealth wala den naman ako work eh.. private hospitak ako kaya mahigpit pa last december naka 130k kami... gusto pa ng ob ko na magphilhealth kamo on that's pot ikakaltas nya 7k tapos padadalhan daw ako ng letter ng philhealth na kung magkano babayaran ko for 1yr.. jusko di bale nalang baka mamaya mas mataas pa maibyad namin sa philhealth kesa sa 7k na ididiscount ng ob..
Magbasa paprivate hospital sa QC ako nanganak sa 1st ko via normal delivery- 80-90k po. pag CS naman po aabutin ng 150k sa mga medium private hospital po yan.. Now po sa ibang hospital na ko- sa SLMC kasi almost 300k po. depende ang presyo sa lugar mo at sa hospital na pupuntahan. sa govt hospital dito sa QC nasa almost walang babayaran kung normal at may philhealth ka. or pag CS nasa 20k
Magbasa paCS 115k nabayaran ko hospital bill Private hosp dito sa province na less na dyan philhealth na 19k.. Magkaiba kami bill ng baby ko since na Nicu pa siya for 1week bale nagtotal kami almost 230k.. Pag usapan nyo ni OB mo possible magkano ang package niya sa normal delivery or CS para mapaghandaan
here sa antipolo sis sa eldet ko private hoapital normal delibery/private room 25k 2 na kami ng anak ko less philhealth na un. dto sa 2nd baby if normal sa private 25k-30k then 60k-80k ang CS. depende sa level ng hospital,location at PF ng doctor yan sis
Magbasa paSaan hospital po yan mi? Dito rin po ako antipolo ka buwanan ko na next month
private hospital 150k po province, sa public naman medyo wala ka ng babayaran kaso bago ka asikasuhin sa public kailangan nag kakanda luhod kana sa kakasigaw di ka padin aasikasuhin don't expect lalo na public.
100k private hospital dito samin sa Rizal. More than 10k lang ambag ni philhealth. Tapos depende kung may hmo ka pa. Hmo ko nun ay yung lying in na panganganakan ko po sana kaso CS kinauwian ko hehe
Dito samin basta may philhealth ka wala kang babayaran pero pag wala may babayaran din pero di gaano kalakihan kasi pede naman ilapit sa swa and malasakit diko lang alam sa mga private
Private hospital dito sa Manila (St Jude Hospital ako nanganak) nasa almost 105k binayaran namin, total talaga is around 120k+, kaso kinaltas yung philhealth.
hi mommy, ito po yung video ko kung magkano ang nagastos ko for CS. https://youtu.be/xQRNm43u_Ts
Private hospital dito sa province, CS 64k less na yung 19k from Philhealth