Trangkaso 33 weeks

Mga mommy,ano kaya pwede kong gawin? 33 weeks & 1 day na ako ngayon. simula paguwi namin nung tuesday galing sa check up di na maganda pamiramdam ko,naunang sumakit ng sobra yung ulo ko kaya tinulog ko and pagkagising ko sobrang sakit na ng lalamunan ko at sinipon na 'ko bigla. hanggang ngayon ganun padin nararamdaman ko,sobrang maga na mata ko sa sakit ng ulo dahil din ata sa sipon. natatakot ako magpadala sa ER kasi ang sabi sa COVID AREA isasama dahil yung sintomas ko pang Covid.

Trangkaso 33 weeks
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

try mo mag ask sa OB mo. kasi ako linagnat, sipon and ubo din ako. Binigyan nya ko ng Gamot na safe daw sa pregnant . 🥺 Hirap magkasakit lalo na pag buntis. Ang binigay sakin Cefuroxime, Mucobron at Neo Bromexan. Get well soon.

if may lagnat, take biogesic. steam inhalation, 3x a day. drink warm water with honey. gargle with warm water and salt.

Magbasa pa
1y ago

uminom po ako biogesic 1time kaso lalong sumakit ulo ko po as in kirot na kirot halos mangiyak na 'ko kaya di ko na sinundan ng inom.