Hindi pantay ang kaliwang hita at binti sa kanan ni baby
Hi mga mommy, just wanna know your thoughts or baka po may same case ng baby ko dito. Hindi po pantay ang thigh and legs ng kaliwa nya sa kanan nya. Pinacheck na po namin sa pedia pero wala naman daw po diperensya, pinacheck na din po namin sa ortho ang sabi normal naman daw po, pero that day na pinacheck up sya sa ortho, nag wawala po sya at nag pupumiglas, ang tendency di nacheck ng maayos ni doc kung pantay ba talaga ang binti nya. Tinuruan kami ni doc paano malaman kung pantay ang hita at binti, upon checking po hindi talaga pantay kaya po mag papasecond opinion kami sa ortho. Even yung muscles po sa buong hita at binti ay hindi pantay. Habang nag iipon pa po kami for another check up gusto ko lang po mag try baka may nakaencounter na po sainyo ng ganitong case. Normal ko pong pinanganak si baby, nag start lang po manghina yung left leg nya nung nag kasingaw sya nung 8 months sya at di nakakain or dede manlang. From then di na po bumalik sa dating lakas yung left leg nya up until makalakad na sya. Malakas na bata po si baby, lumalakad na sya ng mag isa. may kahinaan lang yung kaliwa nya. 1yr & 5mons na po sya ngayon. Baka lang po may makakahelp kung anong kundisyon ang ganito po? Salamat po.