Evening Thought

Mga mommy tanong lang, kinakapa ko kasi yung pwerta natin yung labasan ng baby inistretch stretch ko kasi malapit na ako manganak 1 and 1/2 month nalang. Inistretch ko sya kasi iniisip ko kung paano magkakasya si baby sa pwerta ko 😂😅✌️. FTM ako mga momsh wag nyo ko bash hahaha. Bumubuka din ba yung buto natin dun pag ready na lumabas si baby? Hingi din po ako advice kung paano ang tamang pagire at anong mga tamang gawin pag naglelabor na. Nanunuod din naman ako sa youtube pero gusto ko lang din makakuha ng teknik sainyo sa mga may experience na at expert na 😊. Salamat sa mga sasagot. #firstbaby #1stimemom #advicepls

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo na msyado isipin sis mastress ka lang 😂 magagawa mo yan ng d pinagaaralan. Basta remember pag iri pwersa mo sa pwerta mo then close lang ung bibig. Wag sisigaw papagalitan ka ni ob mo 😂 Merong hndi na gugupitan pag ganyan kasi kaya na ilabas sa pwerta si baby pero kung hndi tlaga sya kaya gugupitan ka. May 1st, 2nd, 3rd, 4th degree ung gupit. Ung 1st konting gupit lang ung 2nd naman twice ng 1st degree na gupit. Ung 3rd malapit na sa pwet and ung 4th degree un ung pwerta mo at anus mo e magiging isa 😂 ung sakin 4th degree ung gupit ko kaya hanggang ngayon mahirap mag poops kahit 3 months na si baby ko. Goodluck!!!

Magbasa pa
4y ago

Waaah sakit naman nyang sayo 😂😅. Ilang kilo at laki ba si baby mo sis para magupitan ka ng ganyan haha ang shaket

hehe konti sis. pero Yung daanan Ng baby Kung nkapa mo luob Ng vagina mo may kulubot parang allowance Yun para magkasya si baby. mag sstretch Yan sis.. kaya masakit din.. 😣 haha galing ni Lord db.. hehe Ska iba Ang pelvis Ng babae sa lalaki mas Malaki Yung butas Ng buto natin sa balakang para magkasya Ang baby. mararamdaman mo Yung urge sis. tpos pag matigas tiyan Ska ka iire. I guide ka nmn ni doc. wag din sa leeg pag ire or pasigaw. . para k lng tumatae..

Magbasa pa
4y ago

Copy po hehehe. Oo may nakakapa akong ganun haha. As in ifeel ko lang na pag ire is parang natae?

para ka lang tumatae momsh. 😂 pero pag manganganak ka na talaga, hindi mo mamamalayan na umiire ka na pala. habang naglelabor ka bigla mo na lang mararamdaman na natatae ka . pero ang katotohanan, magpapaire na si baby. sure ako momsh magiging expert ka din. 😂😁

perineal massage po.pwede mo gawin ma,pero msyado yata maaga,nastretch po.ksi sya,tsaka yung head ni baby may sutures po yan,yung malambot n bunbunan nila,nagcocompress po yan head nila kaya nagkakasya den sa cervix naten pagilalabas na,

4y ago

Tamang search at nuod po ako sis hehe. Pwede na sya simulan pag nag 32weeks na. 33weeks naman na ako, thankyou 😊

Kaya mo yan mamsh .. basta pag naglelabor ka.palang po, wag ka muna iire para di po magkahemmorhoids, inhale exhale ka lng para mabilis bumaba si baby. Godbless mamsh.

4y ago

Ang pag ire ba momsh kapag lalabas na talaga si baby? Mararamdaman naman sa sarili natin kapag lalabas na si baby no?

momsh, tutulungan ka ni doc kung pano umire. and onti onti po magoopen cervix mo kapag naglalabor kana. basta kapag malapit na due mo, mag walking and squats kana po

4y ago

hehe. mababaet naman mga doctor. and madalas naman, kung sino ung OB mo, sya din magpapaanak sayo.