Tahi sa pwerta

Mga mommy, tanong ko lang po, kasi 3months na po baby ko, yung tahi ko po sa pwerta ay hilom na po pero yung sinulid po nya di pa po naaalis, di ko naman po mapunta sa pinag-anakan ko kasi nasa probinsya po kami ngayon, paano po kaya ang magandang gawin para matanggal na po yung tahi, kasi nakakairita na po, di naman po nagkaroon ng nana, makati lang po sya kapag natatabingi po yung sinulid. Sino po dito same case? at ano po ang ginawa nyo? Salamat po. #advicepls #1stimemom #pleasehelp #tahisapwerta

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Buti pala yung sa akin ginupit ni OB nung next check up after discharge sa hospital after 10 days. Hassle kasi. Kundi iindahin ko rin pala. Pero sabi ni OB matutunaw naman daw yun 😳 Thank goodness maayos sa akin eto lang third baby ko na experience sa tahi

Hello Mamsh, matutunaw yan mamsh. I advise po na mag laga ka ng dahon ng bayabas then yun ang ipang wash mo sa pwerta mo. Madaling matanggal kapag ganon. Yun ang inadvice sa akin ng Midwife na nagpa anak sa akin.

VIP Member

hugas ka Lang Po always Ng warm water kusa Po Yan natatanggal or natutunaw. sa labas pi magaling but sa loob fresh pa

skn po non s 1st baby ko nakalaylay n ung tahi kya po gnwa k po non hnla ko. natanggal nmn xa. d nmn po masakit

VIP Member

Try washing with warm water po. If natutunaw ng kusa yung tahi.. matatanggal po sya sa ganon.

hi mi kumsta po? anu po ginawa nyo? same case po ..sobrang kati nya kapag nagagalaw

ako ginupit ko na nlng kse abala kpg my regla ako ..

pagkakaalam ko po momsh kusang natatanggal yan.

Related Articles