Wala na yung love

Hello mga mommy, sino may same experience na simula nung nag away kami ng malala ni lip nagpalit na siya ng pass ng cp at fb ( ako rin naman) then diko na mahawakan ang cp. May history siya ng cheating. Pero nakikita ko naman na di siya nagchecheat ulit. Malaki na yung trust issue ko. Diko lang sinasabi sa kanya. Mahirap kasi sa kanya pag mag aaway kami di siya naimik. Diniya sinasabi side niya. Okay naman kami. Nagsasama parin. Nakikita mo yung pagbabago niya. Nagmemake love kami pero sakin, parang wala na yung spark. Yung pagmamahal ko. Parang nakikisama nalang ako. Inaantay ko nalang na magkamali ulit siya then aalis nako. Andun padin kasi yung lies niya. Pagtatanungin mo san siya pupunta di niya sasabihin. Pero alam kong barkada lang naman kasama niya. Ewan ko, parang binibigay ko nalang pangangailangan niya at ng mga bata. Pero deep inside feeling ko may pagmamahal pa pero dina ganon katulad ng dati. Sorry napahaba.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mo Mi sa pakikipagbkwentuhan sakanya. Kamustahin mo araw niya bago matulog, kung cold pa siya okay lang. Unti-untiin mo lang. Balikan nyo yung mga nakaraan nyo kung paano kayo nagkakilala, mga funny moments at kung anu-anong bagay na pwedeng nyong pag usapan. Mga bagong interest niya. Unti-untiin mo lang Mi. Kung naghahanap ka ng sparks sa isang relasyon, talagang hndi ka magging happy kasi parang di kayo nakukuntento. Ako din non ganyan ang iniisip ko, pinapalayas ko pa nga asawa ko sa bahay πŸ˜‚ pero maisip ko lang na may iba sya o iiwan nya kami, nasasaktan ako, nandoon pa pala kako yung love. Ang sparks mawawala talaga yan. It's about commitment and being contented po. Sguro need lang dagdagan ng spices relationship nyo po.

Magbasa pa
2y ago

Hi sis. Di naman yung spark na pang teenager hehehe. Para bang yung secure na iyo lang siya. Na alam ko kahit umalis siya di siya magloloko. Hirap kasi sis. Pag umalis siya tas umuwi. Ibang damit na suot or underwear. 😐 Pag nakikipag usap ako laging sasabihin, bat daw tanong pa ako ng tanong. Ano ba daw pakealam ko. Kaya yun, since na sinabi na niya yun. Paramg lumayo na yung loob ko. Then ginagawa ko nalang role ko as a lip or mother of his children.