Experiences
Hi mga mommy, share nyo naman po yung experiences nyo nung nasa paglilihi stage kayo, kung ilan buwan bago natapos. Sakin kasi di ko sure kung naglilihi pa ko or dahil sa hyperemesis kaya ganito pa rin, nahihilo at nagsusuka, pero may cravings pa rin ako, lalo burger at chicken. Pero nung 1st trimester ko, sinigang hinahanap ng panlasa ko. Tapos until now ayoko sa sobrang ingay or yung tunog na nagmumula sa mga mobile games, nahihilo kasi ako sa naririnig kong ang dami, halo halong sounds. Kaya lagi lang ako sa kwarto pag nasa labas o nasa sala Yung kapatid at pamangkin ko kasi napaka ingay nilang dalawa ๐ #1stimemom #firstbaby #pregnancy