Paano mawala ang cradle cap?

Hi mga mommy share ko lang yung na experience ko sa bunso ko nagkaroon sya cradle cap ng 1 month old sya as in madami nagbasa basa ako paano mawala sabi oils ako naman lagay din ng oils before sya maligo then suklay after bath nawawala rin naman pero bumabalik balik sya. Naawa na ako kay LO that time. Then sabi ko wag na ako maglagay ng oils nag ok pero still sobrang tigas. Till nagkasakit si LO nagkasipon sya ako nman panic mode pinacheck up ko agad at kasabay narin nung cradle cap nya 1 month sya nag suffer sa cradle cap ah. Then tinanong ako ng pedia ano ba daw inapply ko sa cradle cap sabi ko oils then bumalik din kaya hinayaan ko nalang. Pero sabi ng pedia mommy wag ka ba maglagay ng oils sabunin mo lang ulo ni baby ng Johnson and Johnson na sabon yung white as in yung bar after nun pingamit ko agad kay LO after 1 week nawala cradle cap nya thanks talaga sa Pedia nya akalain mo yun yung old traditional na sabon magpapawala sa kanya samantalang ang mahal ng sabon nya at shampoo isang bar lang mag ok yung cradle cap nya. Yan po ay experience ko lamang baka hiyangan lang po. Yung sa picture yan na ulo ni LO sobrang kintab naman naubos yung hair nya sa cradle cap. #cradlecap

Paano mawala ang cradle cap?
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ligo lng every other day or daily qng kya. di nmn Po yn nkkaaffect KY baby, di lng magnda tignan. minsn umaabot Po ng 1 yr bgo totally mawala. ung ank q medjo Meron p nyn pero di q n lng pinapansin pra di n q mastress

oilatum lang gamit kong soap kay lo ko never ako gumamit ng oil