Hi mga Mommy, share ko lang po yung journey ko bago ako manganak βΊοΈ.
April 22, 10 am nagpunta po kami ni Hubby sa Lying In para magpacheck up at magpa I.E, and nung na I.E na po ako, nasa 3cm na ko, then niresetahan ako ni Midwife ng EverPrim, pero after akong i.I.E, may ipinasok sa pempem ko si Midwife which is yung EverPrim nga po, then after namin sa Lying In namili pa kami ni Hubby ng mga kulang pa na essentials namin ni Baby, after that mga bandang 1 or 2 nakatulog ako kasi nag spotting ako at medyo masakit si Pempem at puson ko, 5 po nagising ako at medyo masakit pa rin si Puson at Pempem, mga bandang 7 or 8 ata kumain lang ako ng konti kasi medyo nagdadiet ako kasi 60kilos na ko, mahirap na baka lumaki ng sagad si Baby π. Then mga 10, matutulog na kami ni Hubby, so habang nakahiga ako medyo masakit pa din si Puson ko, pero pinipilit ko pa ring matulog, tapos mga bandang 11 iba na pakiramdam ko, andun na yung parang init na init ako, tapos para akong naiihi na nadudumi, tapos apura na sakit ni Puson ko at sumasabay na din yung balakang ko, at first tolerable pa sya, pero nung nag 12 na, nagpanay panay na yung sakit ng puson at balakang ko, every 1 to 3minutes na, akala ko wala lang so ginising ko si Hubby sabi ko samahan nya ko sa CR kasi nadudumi ako, edi sinamahan ako ni Hubby sa CR, tapos wala naman di naman ako nadumi, pagbalik namin sa kwarto medyo sumakit nanaman si puson at balakang, hanggang sa kada sasakit sya tumutuwad na lang ako sa higaan, tapos sabi sakin ni Hubby baka naglelabor na ko, kaya sabi ko sa kanya tara punta na tayo sa Lying In tapos tawagan mo na sila sabihin mo pupunta na tayo, then mga 12:15 umalis kami sa bahay (di pa namin dala yung mga gamit namin ni Baby kasi di ko pa naisip na naglelabor na nga ako at manganganak na ko). Pagdating namin sa Lying In, mga 12:45 in I.E ako tapos shook, 7cm na ko and maghihintay na lang daw kami ng 3 to 4hours at lalabas na si Baby, kaya umuwi pa si Hubby para kunin yung mga gamit namin ni Baby, 2:30 In-I.E ulit ako, 8cm pa lang and waiting pa daw ng 2 to 3hours e di ko na kaya yung sakit, kaya nagpatulong na ko at nagpakabit ng swero, 2:40 pumasok na kami sa delivery room at kinabitan na ko ng swero tapos mga ilang minuto lang pinahiga na ko at humilab ng sagad si Tummy at andun na yung pakiramdam na para akong matatae, after ng tatlong mahabang ire, baby's out na 2:54 am (April 23), grabe sulit ang hirap at sakit nung makita ko si Baby βΊοΈ. Sobrang nagpapasalamat ako kay Lord kasi di nya kami pinabayaan ni Baby. ππ€.
Anyway po, meet our Little One βΊοΈ
Kai Iuhence Matthew Villanueva Gutierrez
3.2Kgs
48cm
Ps: 7Days na po kami ni Baby ngayon βΊοΈπ
#1stimemom #firstbaby
Kayin Aishi