37 weeks and 3 days

Mga Mommy Sa Center lang ako nagpapacheck up gusto ko sana mag pa I.E kaso naman sa Jan.7 pa bukas ng Center 39 weeks na ako nun .. Masakit kasi sa Pempem at Puson pag sumisiksik si baby baka mamaya niyan wala pang 2nd week ng January Manganak ako ๐Ÿ˜” nararamdaman ko kasi yung pagsiksik niya hindi din naman nagrereply yung medwife ng center sakin kaya hindi ko alam kung pwedi na sa hospital !! Pag sa Hospital kaya meron bayad pag public lang ?? #pregnancy #1stimemom #advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pakiramdaman mo ung interval ng pagsakit ng puson mo momsh. Baka kase mataas pain tolerance mo kala mo dysmenorrhea lang ung sakit un pala bukas na cervix mo. Ganyan nangyari sa ken kala ko dysmenorrhea lang pag IE sa ken 10 cm na at mababa na si baby kaya diniretso na ko agad sa delivery room. Wala pang 10 mins nanganak na ko. Kung hindi nmn high risk ung pagbubuntis mo baka may malapit na lying in dyan sa inyo doon ka muna magpa check up habang sarado pa center para ma advise kung ano na kailangan mong gawin.

Magbasa pa
5y ago

kagabi Momsh masakit na siya sa puson kala ko nga manganaganak naku !! pero nawala din naman