Birth Certificate

Mga mommy patulong naman. Ganito po kasi, nagbayad po ako ng 650 sa lying in na pinag anakan ko para sa bitth certificate ni baby at sabi sila na raw maglalakad. Pero ang binigay lang sakin is parang mother's copy na ipapasa sa PSA. Tinanong ko kung para saan yung 650 na binayaran ko kung hindi naman pala PSA ang makukuha ko. Sabi nila is para raw po yun sa inasikaso nila para maipa apelyido si baby sa papa niya kasi hindi raw kami kasal. Tanong ko lang mommies bawal bang ipa apelyido si baby sa papa niya kung di pa kami kasal? I mean, kailangan bang may bayad yun kasi inasikaso raw nila yun para maipa apelyido si baby sa papa niya. TIA

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ang alam ko kayo mismo kukuha ng birth cert sa psa, ganyan talaga bayad if sila nagasikaso, sa affidavit and sa transaction sa registral office at sa psa.

Pwede. may pipirmahan kayong affidavit of acknowledgement. tas yung 650 siguro is processing fee sa pagaayos mismo nung PSA.

4y ago

Pwede iuwi yung papers na pipirmahan mommy :) kung kayo naman mag aasikaso sa munisipyo pwede yun.

sa civil registry lang po yun momsh.. need po kasi affidavit at notary na sa father surname gagamitin.

pwede naman po eh apelyido sa baby sa father nia as long as pipirma ung tatay nia sa birth certificate.

4y ago

hi sis ask lng,,, di pa kami kasal and manganganak n ko this month... may pipirmahan sya diba na ina acknowledge nya na anak nya ung baby ko? and pwede ko kaya iuwi ung pipirmhan nya?? para sa house nlng nya pirmahan.. not sure kasi if makakasama ko sya pag nanganak ako eh

same po 😊 ako po 900 ganyan po talaga ang babayaran mo notaryo ang tawag jan😉

may bayad talaga kung hindi pa kayo kasal..

for notary po yun mommy,

Up

Up

Up