Running out of Patience.

Hi mga Mommy, pa rant lang since malapit na maubos pasensya ko πŸ₯² Etong mother ng Hubby ko mabait naman, pero nkakaubos din ng pasensya since pinapangunahan niya yung Doctor. I'm already in my 40 weeks and panganay ko tong pinagbubuntis ko kaya sabi ni doc pagka panganay daw umaabot daw tlga ng 41 weeks. Nakakainis lang kasi simula nung nabuntis ako ayaw niya ako ipagtake ng multivitamins kasi nakakalaki daw ng baby, pero di ako nakikinig kasi alam ko my doctor knows best kaya hinayaan niya ko. Gusto niya ang itake ko lng ung ferrous lng daw at wag na multivitamins and calcium kasi yun nga, nkakalaki daw and di daw effective yung calcium nagrereseta lng daw sila para magkapera. Nakakainis lang kasi plano ko mag doctor and nakakainsulto sa side ko yon. Ayon timpi parin ako, and ngayon kauwi ko lng from check up and ie ako ni doc 2 cm pa and sabi din ni doc pa ultrasound ako ulit since last ultra ko nung Aug 18 pa which is matagal na talaga and sabi nanaman niya "Yan kasi kaya di lumalabas baby mo kasi kakainom mo yan ng vitamins. Wag kana uminom ng vitamins pati nung calcium gatas nlng inumin mo dahil di lumalabas baby mo jan. Puro ka kasi malamig na tubig nakakalaki ng baby yan At wag kana rin magpaultrasound kasi piniperahan ka lng ng mga yan." And I was like WHAT??? Sa isip isip ko ang lakas ng loob niya sabihin yan parang ininsulto niya narin ako ng harap harapan. Daig niya pa doctor sa mga pinagsasabi niya. Gusto ko sabihin sakanya na walang calories ung malamig na tubig para magpalaki ng baby and hindi ko kayang lunukin ung tubig pag hindi masyadong malamig kasi nasusuka ko e kailangan ko pa naman uminom ng maraming tubig. Lagi niyang kinocompare yung ibang mga kakilala niya na ang bilis daw manganak which is iba iba naman ung mga babae mag buntis. And who knows maliit tlga sipit sipitan ko kaya di padin nag iimprove cm ng cervix ko :) Nakakainis lang talaga pero silent lng ako kasi di ako sumasagot and as far as I can magtitimpi ako kasi ayaw kong sumagot lalo na't nanay siya ng asawa ko. Hinahayaan ko lang siya mgsalita tas pinapalampas ko lng sa kbilang tenga. Hay nako. #1stimemom #firstbaby #bantusharing #pregnancy

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din lola ko (mother ng mother ko) iritang irita nako na gusto ko na hakutin mga anak ko at lumayas kundi lang ako naaawa sa parents ko kasi malulungkot nman sila pag inalis ko dito mga bata. pano ba naman lahat ng gawin ko sa mga anak ko pinakikielaman saka puro parinig pa, buwisit na buwisit din ako all my life ganyan sya pinanghimasukan na nga buhay ko pati ba nman pagpapalaki ko sa mga anak ko na ako naman ang nagluwal dito sa mundo. daming alam eh na kala mo nman porket matanda na eh tama ang ginagawa biruin mo, tawagin ba nama na parang bakla daw panganay ko sa harap ng mga hipag at asawa ko di lang un eh marami beses nya tinawag na parang bakla anak ko. nkakainis at nakakagalit insulto samin mag asawa un. pag npipikon ako dahil masama daw sumagot ssgot sa matanda nagdadabog ako, edi ayun ttawagin akong demonyo at wala modo wow ah alangan matuwa ako sa pinaggagagawa nya samin mag iina. magmula oagkabata ko ganyan pakikitungo sakin mas malala pa nuon yung tipong ayaw nya na masaya ako ssbhin ang ingay ko daw pag nagtatanung ako papagalitan at ssbhan ng madaming tanong, puro pagmumura din inaabot ko ehh wala naman akong ginawang masama ahh normal lang na bata ako at mangulit bata eh patulan ba naman ako. kaya ngayong pagtanda ko natuto nako dumepensa at iparamdam na naiirita ako sa mga pinagsasasabi at pagpaparinig nya.

Magbasa pa
3y ago

addtl to what i said, i have nothing against sa mga 3rd gender. pero ung pagkakasabi nya kasi sa anak ko may halong mocking. at patawa tawa pa na sya lang nman natuwa sa sinabi nya. nako dito pa ako npa vent out lakas maka trigger ng post ehh hehe. kaya dream ko talag lumayas dito.

Same tayo mommy ako nga maliit pa ang tiyan e. Pero nakakainis na gusto nila lahat ng bagay alam nila nakiki alam sa desisyon niyong mag asawa , although mabait sa mabait ang sakin lang dapat pabayaan nila kami sa desisyon namin. Pati kung sang lugar ka papa check up qquestionin. First UTS ko Twins ang nakita so excited kami mag asawa kasi 1st baby nga and Twins pa kaso nung nag TVS ako on my 10th week hindi na nag push si baby at yolk sac nalang ang natira pero yung kambal niya active naman kay monitoring nalang sakin , aba sabi banaman pinapanalangin daw niya talaga na isa lang . Kasi mahirap daw ang buhay, Like what ? lahat kami excited tapos ikaw iba dasal mo. Nakaka sama lang ng loob lalo na nalaman ko hindi na siya twin aantayin nalang malusaw yung Other empty yolk sac. Dun palang pinangunahan niya na kami na di namin kayang buhayin kung kambal nga ang anak ko. Hays. Sorry mommy napa rant nako dito πŸ˜… Ingat po 😊

Magbasa pa

ganyan yan silang matatanda eπŸ˜…ako nga pinipilit pa nilang magpahilot raw para umayos sa pwesto si baby kasi breech ng 20 weeks. inilaban kong hindi kasi yun ang sabi ng OB ko, maaga pa naman and iikot pa si baby. dasal lang talaga tsaka kausapin si baby araw araw. sinunod ko din mga advice na nababasa ko dito sa TAP na magpamusic sa tapat ng puson para sundan ni baby, umikot naman siya. lagi pa akong sinisita n kesyo maglakad lakad daw ako nung nag 7 months na para hindi ako mahirapan manganak o ma CS, hindi ko din sila sinunod. mas sinunod ko advice ng OB na mag bedrest muna kasi nagkaron ako ng spotting nung 22 weeks ako. si ako naglakad lakad until walang go sigbal galing sa OB ko. nakapag normal naman ako at mabilis lang lumabas si baby. kaya di nako gaanong naniniwala sa ibang sabi sabi ng matatandaπŸ˜…πŸ˜‚

Magbasa pa
VIP Member

relate ako jan haha ganyan din sabi ng byenan ko .. dati daw ksi di naman daw sya nag vivitamins malulusog naman daw anak nya ...pero la pake mas sinusunod ko OB ko ayukong sa huli mag sisi ako .. even the foods i eat nag sasalita un yung talong daw bawal sa buntis .. πŸ˜‚ lam pake i eat talong πŸ˜‚ tpos merun pa wag daw itataas kamay pag ntutulog nkakawala ng gatas .. di ako naniniwala tinataas ko padin kamay ko ...πŸ˜‚ pero nung mag 8 months na tyan ko umuwi na muna kmi ni hubby dto sa side ko .. dto ako manganganak .. kasi mas gusto ko kasama ko pamilya ko .. kasi 41 weeks nako bukas di padin ako nanganganak 1st baby ko din to .. balik namin sa OB bukas .. sna confine na nila ako gusto ko na mka labas baby ko .. CS nlng nila ako kung kinakailangan πŸ˜₯ nag aalala na ksi ako πŸ™

Magbasa pa
3y ago

ako inabot ng 40weeks and 6days bgo lumabas c baby.

Sakin napag sasabihan mag lakad lakad Nako tinutulugan ko lng bket since day 1ng pregnancy ko Hanggang manganak ako nag duty ako sa live stream laging puyat dhil wlang work anak nya ako LAHAT nagastos bigas lng ung kanila di ko pinapakinggan sa panganay ko LAHAT nmn Ng bawal kinakain ko makisoftdrinks at malamig di nmn Malaki baby ko 2.4kg lng sya sa pangalawa ko LAHAT binibili ko since pinag paguran nmn at 1month na baby 2.8kg sya mas Malaki sa panganay ko parehas napa aga at di ako naging pasakit Mula preggy until manganak Kasi alam ko ako lng din nmn makakatulong sakin !! P.s ayos lng yan kalimitan sa panganay nag over due!! Chaka may iba matagal mag labor wag Mona isipin byanan mo maistress ka lng..

Magbasa pa

luh? chika mo nga momsh sa mother in law mo na iba lang yung batang alaga sa vitamins. ako nga from 7 weeks until manganak nagtatake multivitamins, calcium, ferrous, nagvitamin C pa ako and meron pa yung para sa baga bi baby nung 3rd trimester tsaka nagtake din ako ng panpakapit 22 weeks until manganak. tapos hilig ko pa nung malamig ba tubig nainormal ko naman si baby at 37 weeks and 6 days tapos mabilis lang siyang lumabas. nakay baby talaga yung desisyon mommy kung kelan siya ready ng lumabas. tama lang yung ginawa mo din n wag nalang umimik kapag ang dami dami niyang sinasabi, wag mo nalang po pansinin ma stress lang kayo ni baby

Magbasa pa

Ako nagkasagutan na kami ng MIL ko di nko nkpagpigil kasi hindi rin tlga maganda mood ko non ksi mgka away kmi ng asawa ko.. Nakakainis ksi lahat ng galaw ko de numero at mando pa ng mando alam nya naman mahirap mg alaga ng baby.. Hindi nya nman kaya alagaan tong anak ko.. Pinapakelaman nya lang mga ginagawa ko at tinataranta pa ko.. Lgi nakamasid at nakamando pti pagkain ko binabantayan nkakairita Pwedeng ngayon kaya mo pa palampasin tulad ko dti gnyan lng din ako ngingiti ngiti tinatawanan lng sya pero umabot na rin sa puntong napuno na ko kya ayun ngkasagutan n kme

Magbasa pa

hay Ma paglabas ni baby asahan mo na, may masasabi na naman cya na parang ganyan. pansin ko din ang culture natin, kahit hindi ask ng payo, nagbibigay sila. brace urself kasi paglabas ni baby mag popostpartum ka pa, so mas iigsi pacensya mo. Aq ginawa ko nag research talaga ako para may sagot ako pag may nega sila nasasbi like sa pag breastfeed ko etc ^_^ we should know what is best for our babies. Be strong Ma!

Magbasa pa

Sorry sa word momsh ha pero parang tanga pala yang mil mo eh edi sana siya nalang nag doctor ilalagay pa kayo ni baby sa pamahak. Kaya nga naimbento yung prenatal vitamins kasi para maiwasan birth defects tsaka mas kailangan ni baby yun. Pero dapat momsh di naman masama sumagot lalo na't may pinaglalaban ka at nasa tama. Mahirap kasi yung tahimik lang parang sinasagad kana.

Magbasa pa

MIL ko din mabait naman kaso daming pamahiin jusko naiinis na ako kaya wala talaga akong sinunod kahit isa. Lalo na nung summer need na need naten malamig na tubig dahil doble init na nararamdaman naten. Aba wag daw ako uminom ng malamig at lalaki si baby. Eh sa uts ko ang liit ng baby ko. At madami pang pamahiin na hindi ko sinunod, wala naman nangyare sakin.πŸ™„

Magbasa pa