Running out of Patience.

Hi mga Mommy, pa rant lang since malapit na maubos pasensya ko 🥲 Etong mother ng Hubby ko mabait naman, pero nkakaubos din ng pasensya since pinapangunahan niya yung Doctor. I'm already in my 40 weeks and panganay ko tong pinagbubuntis ko kaya sabi ni doc pagka panganay daw umaabot daw tlga ng 41 weeks. Nakakainis lang kasi simula nung nabuntis ako ayaw niya ako ipagtake ng multivitamins kasi nakakalaki daw ng baby, pero di ako nakikinig kasi alam ko my doctor knows best kaya hinayaan niya ko. Gusto niya ang itake ko lng ung ferrous lng daw at wag na multivitamins and calcium kasi yun nga, nkakalaki daw and di daw effective yung calcium nagrereseta lng daw sila para magkapera. Nakakainis lang kasi plano ko mag doctor and nakakainsulto sa side ko yon. Ayon timpi parin ako, and ngayon kauwi ko lng from check up and ie ako ni doc 2 cm pa and sabi din ni doc pa ultrasound ako ulit since last ultra ko nung Aug 18 pa which is matagal na talaga and sabi nanaman niya "Yan kasi kaya di lumalabas baby mo kasi kakainom mo yan ng vitamins. Wag kana uminom ng vitamins pati nung calcium gatas nlng inumin mo dahil di lumalabas baby mo jan. Puro ka kasi malamig na tubig nakakalaki ng baby yan At wag kana rin magpaultrasound kasi piniperahan ka lng ng mga yan." And I was like WHAT??? Sa isip isip ko ang lakas ng loob niya sabihin yan parang ininsulto niya narin ako ng harap harapan. Daig niya pa doctor sa mga pinagsasabi niya. Gusto ko sabihin sakanya na walang calories ung malamig na tubig para magpalaki ng baby and hindi ko kayang lunukin ung tubig pag hindi masyadong malamig kasi nasusuka ko e kailangan ko pa naman uminom ng maraming tubig. Lagi niyang kinocompare yung ibang mga kakilala niya na ang bilis daw manganak which is iba iba naman ung mga babae mag buntis. And who knows maliit tlga sipit sipitan ko kaya di padin nag iimprove cm ng cervix ko :) Nakakainis lang talaga pero silent lng ako kasi di ako sumasagot and as far as I can magtitimpi ako kasi ayaw kong sumagot lalo na't nanay siya ng asawa ko. Hinahayaan ko lang siya mgsalita tas pinapalampas ko lng sa kbilang tenga. Hay nako. #1stimemom #firstbaby #bantusharing #pregnancy

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako den mag lalabas lang den ako ng sama ng loob hahaha mabait namn saken mother ng husband ko kaso may time na parang sobra naden yung pangengealam nya. pinag mamadali pako manganak baka daw kase ma cs ako e anong magagawa ko kung ayaw pa lumabas ng baby ko. tsaka wala naman sya maaambag kung ma cs ako. jusq sakanya lang ako na ppresure 😌

Magbasa pa

Actually mother in law ko din, mabait naman sya pero nag aadvice sya paminsan like kahit d ako mag vitamins kase ung ibang inlaw nia d nmn nag vitamin ok nmn ang mga anak nila pero syempre keme tango lang ako sakanya, ako paren ang nasusunod at ok lng nmn sya dun d panaman sya nag side comment

3y ago

Comment din sya ayaw nia nag papa ultrasound ako kaya asawa ko tuloy pinipigilan ako paminsan pero sige parin ako lol

ganyan din sa asawa ko di lang mama niya pati kapatid nyang 10 year old walang respeto. minsan kukuha lang sya bigla ng gamit sa amin nang hinfi nag papa alam sa akin kahit nasa loob ako ng bahay. inabuso niya kaibatan na pinapakita ko sa kanila.

naku mommy lalo na pag nanganak ka na. watch out sa mga pamahiin na ipapagawa niya sa baby mo. kasi di lahat makaka buti para kay baby. doctors knows what's best padin dapat. ganyan din mother in law ko pero na oo nalang ako 😅

TapFluencer

ganun talaga sis daig pa nila ung buntis ,may time talaga na lalabas si baby hindi yan sa vitamins at malamig na tubig yaan mu na lng bsta alam mu na healthy naman si baby nakaka stress nga pag ganyan panay pakialam na lng

3y ago

relate dn aku ngayun 39 weeks na kmi dpa aku nanganak dami nakikialam bkit daw matagal yan kc panay higa 😒di naman talaga aku as in panay higa sempre nakilos dn aku alangan naman di aku mahiga kung pagud na aku ,kung alam lng nila ung pakiramdam nating mga buntis lalo na pag kabuwanan na dami na masakit sa katawan ang bigat bigat na kumilos tapos bawalan pa mahiga sarap dn sakalin haisst manahimik na lng iiyak sa sulok at magdasal sis😔😔🙏🙏🙏

TapFluencer

Relate, ung MIL ko manggigising ng umaga, wag daw ako papaabot ng bukang liwayway sa higaan kasi mahirapan daw ako manganak, gusto q sabihan "Alam nyo po ba na 2 hours palang ang tulog ko???!!!" kakaloka.

VIP Member

Subukan mong mangatwiran. Kung hindi ka mangangatwiran ang iisipin niya lahat ng sinasabi niya tama. Hindi naman masama mangatwiran Lalo na kung may punto.

hahahaha ako nga ehh nag kasaket ayaw ako painumin ng biojesic ng byanan ko kase daw masama kaht recomended nmn tiis tuloy ako sa saket ko

VIP Member

hugs mommy. 🤗 labas sa kabilang tengga nalng lahat ng sabihin nya, after all, it's your body, your baby, so ikaw masusunod. ❤️

3y ago

Nakakainis lang kasi pero chill padin mi 🤣 Nanay ko nga di ako pnpressure siya pa kaya jusq kaloka ha. Hays. Panay tagtag na nga ko tas ssbhin pa ayan kase naglalakad ka nga kumakain ka naman pgktapos e malamang mgugutom ako e halos 2 oras ba naman ako nglalakad 🤣 twice a day na nga lng ako magkanin tas onti lng ganyan pa sasabhin ewan ko nlng tlga 🥲

naku mommy pano if lalabas na si baby, baka lahat ng gagawin mong pagpapalaki sa anak mo eh pakikialaman na din nya..