Growth spurt??
Mga mommy, pa help naman po. Tuwing gabi kasi nag iiiyak si baby. Naka dede naman na sya, napalitan na diaper and all, pero naiyak parin sya. Growth spurt po ba yun? Paano po ang gagawin, grabe po kasi ang iyak. Naawa na ko kay baby. Pa advise naman po ng mga ginagawa nyo sa baby nyo. Thanks in advance.
Hello. Observe, monitor niyo po, kung what time nagi-start pagiging iyakin niya at gaano katagal. Sa experience ko sa baby ko, 8pm onwards iyakin siya. Yun pala, yun ang active hours niya. Kaya ginagawa ko ine-entertain ko, kinakausap, nilalaro, kinakantahan, isinasayaw, etc. Tsaka nag-introduce na ako ng night and morning kasabay ng pag set ng night and morning routine, para alam malipat sa umaga yung active hours niya at masanay na matulog sa gabi tapos sa morning naps lang.
Magbasa paaccording sa pedia ng anak ko, pag bukod sa masama pakiramdam pwde ang dahilan ay may Colic or kabag si baby kay nag iiyak. dapat daw ay ipa burp si baby between feedings and after padedehenm tapos wag mo muna ihiga.. mga 15 minutes mo pa sya karga after mapa burp.
gnyn din si baby. Ang ginagawa nmin ginagla sa buong bhy prang walking hele. nppkalma nmn TAs kpg kalma n balik ulet sa Dede TAs tutulog n sya. overstimulated, gusto ng mtulog pero di mktulog
opo, antok na antok na sya pero d sya makatulog, namumugto na mata nya sa kakaiyak kya nakakaawa na.
lilipas din yan mamshie. ganyan din baby ko nung pa 2 months.