27 Replies

naiintindihan ko yung naiinis sa mga nagtatanong pa ng ganito. hindi naman lahat ng nilabasan ng dugo miscarriage, yung iba uti or iba pang underlying condition. pero alam nating lahat na kahit isang patak ng dugo during pregnancy is not normal kaya sa ob or sa ER sya dapat magtanong. kasi pwedeng kung miscarriage nga eh mahabol pa. pero dahil nagpost ka pa dito at nagintay kapa ng sagot hindi na nahabol. be responsible mga mommies. kapakanan ni baby muna bago opinion ng iba. kasi kung magtatanong ka din dahil dika naman nila kasama or wala din silang alam haka haka lang din ang makukuha mong sagot. mas maganda kung nagpaOB or ER kana maccheck ka nila agad don at mas alam nila ang kalagayan mo.

mas nakakapraning at nakakatakot actually pag nagtanong kapa sa iba.. kaya dapat diretso na lang sa doktor..

same case nag bleeding din po ako ng ganyan karami 9weeks c baby sa loob ng tiyan ko, tumakbo agad kami sa Ob ko sa awa ng diyos naagapan naman agad ng gamot ng Ob ko For 4months at bedrest tas grabe ang mahal ng gamot P80+ per tablet 3x a day may kasama pa yung isa nakalimutan ko na kung ano yung gamot na binigay basta ang importante ok na ang baby ko and now 38weeks na praying na healthy c baby paglabas at walang deperensya sa cause of my bleeding b4..🙏😪

Let's be sensitive po sa mga answers mga momshies. Ganyan din po ako nung nakukunan na ako super indenial ako na miscarriage na siya nagseek pa ako ng answers sa maraming tao kahit alam kong may mali na. Pare-parehas lang po tayong mga preggy dito sino sino pa ba ang magtutulungan kung di tayo lang din.

siguro naman naka pag pa check up kana, di kaba sinabihan ng ob na, di normal ang spotting sa buntis, lalo na ganyan ka dami. dat er/hospital agad ang takbo, di sa socmed. pag tetenge tenge ka ma wawala talaga bby mo,.🙄🙄 buntis di alam gagawin sa mga ganyang sitwasyon,.di yan ma kukuha sa pahinga lang girl, doc ang kailangan mo.

Oo nga eh. Pwede naman nya sabihin maayos.. Ako po nagcomment na ingat sa mga salita. Pero di po ako yung nagpost about that bleeding. May nagnotif kasi na "siguro naman alam mo na ang spotting ay di normal, d ka ba nasabi sayo ng OB" something like that.. Just a reminder lang po na always be kind. Hindi po lahat ay alam agad lahat about pregnancy..

Di ko magets bat yung ganitong situation kinu-Q&A pa. This is so alarming already and obviously an emergency. Bakit maghihingi pa ng opinion ng iba?? not everyone has the same case and this is about life. Hope we all be responsible for our safety na din.

Maaanxiety lang sya lalo kung ganyan kasi iba iba ang sasabihin sa kanya tsaka nagtitake time yung pagttanong at pag aantay ng opinion ng iba. Look for expert na agad kasi as per comment nga, “not everyone has the same case and this is about life”. Hindi sa pagiging masungit but we need to let her know prankly that situations like this should be taken seriously.

you can try to go sa malapit po na center sa inyo if ever po na may naramdaman ka po na kakaiba para po macheck nila at masabihan ka nila kung ano po ang need niyong gawin and always be careful po kasi masyado pa pong maselan ang ganyang week ng pagbubuntis sa inyo moms

TapFluencer

Momsh, it’s an emergency na. Pag may ganyan kadaming blood na and you’re pregnant, first thing to do is go to a clinic or hospital. Di pa ako nanganganak pero im sure that it’s not normal. See a doctor na.

Mommy, sana ok klang 🙏🏻 Naranasan ko rin makunan at sobrang daming dugo din nilabas ko. Sana maagapan pa if hindi man, darating din ang para sayo. Godbless and stay strong! 🙏🏻

Ospital dapat nyo hong puntahan at OB nyo ang iask nyo regarding your situation hindi ho Doktor ang mga mommies dito unless kung may kasaling doktor dito madam.

mommy Sana diretso ka na po sa ER at inform na din si OB... emergency na po yan baka ma miscarriage kung hindi maagapan.. pray lang po🙏

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles