17 Replies
Depende kasi yan sa position nya. Mother ko noon never daw nalaman gender ko hanggang sa ipanganak nya ko kasi nakadapa raw ako sa ultrasound. Sabi nila kumain ka raw ng chocolate bago ka magpa ultrasound para raw maglikot si baby habang inuultrasound. Ginawa ko un at effective naman sya. Ang likot nya habang nakapila kami. kaso sa haba ng pila, nung turn ko na, tulog na sya. π buti na lang matyaga at magaling ung sono hinanap nya talaga gender ni baby kahit ang pangit ng pwesto nya bukod sa suhi pa sya. Btw, 19 weeks po ako nung nalaman gender nya.
Ako unang check ng gender di agad nakita kasi hinaharangan nung legs nya... Tas nitong last check up ko bago ako macheck up kumain muna ako ng sweets.. Like ice cream... So naglilikot sya... Tas nung nakasalang nako... Ayun una di pa makita. Kasi yung ambilical cord nya nakatakip sa genital nya... Pero yung OB ko hindi talaga sumuko. And finally nagpakita na rin... Baby girl... 20 weeks ko na nung makita gender nya...
May ganan po talaga.Baka nakakipit yung legs ni baby.Mas mabuti po kausapin nyo po si baby bago kayo pa ultrasoundπ
Opo normal lang po yun lalo na po pag minsan natyimpuhan mo nakadapa si baby
Yes momsh.. kausapin u c baby n ipakita n nya.. depende kc tlga sa position nya un
Welcome po.
Momsh kain ka chocolate bago magpaultrasound, or dapat busog ka para maglikot sya.
Actually po malikot sya pag nag uultrasound. Nakikita pa nga namin sya pano sumipa at maglikot ang kamay.
Minsan kasi yung position ni baby ang reason bat di makita ang gender.
Nakadapa din ang akin mahirap makita kaso tinyagaan ng doctor nakita din.
Pinatagilid na nga po ako ng ob. Kaso hndi talga mkita
Opo. Normal nmn dpende kasi yan sa posisyon ni baby
Yes. Depende kasi kung anong position ng baby niyo
Maria Margarita B. Marasigan