5 weeks pregnant
Mga mommy need advice lang po. Normal lang po ba makaramdam ng menstrual cramps pag 5 weeks pregnant? Hindi pa po ako nakakapag ultrasound. Balak ko po pag nag 8 weeks or 9 para sure po na may heartbeat na si baby . Salamat po sa makakasagot
Sinasabi ng iba sis na normal, pero based sa OB ko hindi okay. I’m also 5 weeks and 5 days when I first visit my OB, and bilin niya yan na any pain kahit gaano ka-mild basta sa puson nanggagaling I have to call her right away. The next day after our 1st checkup I had cramps again and nagkaron na ko pinkish na vaginal discharge. I called my OB and I was given 2 meds para pampakapit, 1 oral and 1 suppository, then 2 weeks bed rest. Kaya I suggest dont ignore any pain lalo kung sa area where our baby is growing. Ang cramps ko din sobrang mild, that last also siguro 5-10 seconds lang and advice ng OB na it’s not good at all. Hope this can help you.🙂
Magbasa paMi hindi normal na may pain pag buntis. Lalo cramps. Magpacheck up ka agad. Para maresetahan ka pampakapit. Ako non kala ko magkakaron ako kasi may cramps, nag pt ako positive. Kinabukasan dinugo ako ng sobrang dami. Nakunan din ako after ilang weeks.
sa experience ko nun first trimester ko oo unv parang humihilab siya kunti na masakit likod balakang pero mawawala yan pag 13weeks kana at lalo pag pinansin mona na buntis ka.tapoz kung nakapag pa check up ka bigyan ka pampakapit titigil yan
same din po sakin, sobrang sakit na feeling ko magkakaroon na talaga. niresetahan ako duphaston para sure at naka-help sa cramps ko. pero mas better pa-check up ka na agad mi, wag ka na mag hintay pa.
not normal Mii, Akala ko din Nung 10 weeks ako normal lang sya pero Hindi kasi after nun nagspotting ako. Wala dapat cramps or sakit na nararamdaman. pacheck up ka na po sa ob mo
kahit po mga less than 15 seconds lang ung sakit nya mii then nawawala din agad delikado padin po? clear white din po ang discharge ko. salamat mii sa pagsagot
Normal lang po yan. Symptoms din yan ng early pregnancy. 6 weeks po pwede na makita heartbeat ni baby eh. Pero pwede din kayo magwait til 8 weeks if yun ang gusto nyo.
Godbless po🙏
kung base po kayo sa lmp nyo possible hnd tama bilang ninyo sa weeks kaya maganda po paultrasound kayo para din malaman nyo true weeks ni baby
if tolerable naman, normal lang po. depende po sa sakit. if super sakit, pa check up ka na po
same. and need mo na din magpa check up kasi need kana mabigyan vitamins. important kasi organs ang naboboo sa ngayon. and especially need ma tignan if nasa tamang posisyon sya.
Yes po. Normal sa early pregnancy.
thank you po sa pagsagot 😊