nagmumuta
Mga mommy. Nagmumuta yung right eye ng baby ko. Ano pong magandang gawin? Sino pong nakaexperience nito? Hindi naman siya namamaga or namumula. Basta nagmumuta lang siya e. Help.
Pacheck up mo na, ung sa baby kasi namin kala ko makukuha sa papahid pahid ng cotton na binasa ng warm water, turned out allergic reaction pala. So nung napainom ng antihistamine aun nawala agad. Mas mainam ipacheck up to know the cause para tama ang mabigay na remedy.
Same case po sa baby ko dati. White po ba lumalabas? My pedia advised me to massage the area through circular motion. Kasi daw d pa mature ung labasan ng luha. (I forgot the correct name of that gland hahaha) After 3 days ok na.
ganyan po yung sa baby ko noon. sabi ng pedia ko massage lang po yung bandang kilay at sa may bandang ilong na malapit sa mata. dami na po kasi nairesatang ointment sakanya noon. yun lang po yung nag effect.
Nagkaganyan yung baby konwala pa syang weeks , pinacheck up namin then may binigay na ointment tapos ganun pa din sya , pero nung nag start sya mag tiki tiki nawala na kusa
Ganyan din yong baby ko mommy, wipe lang ng malinis na cloth or cotton basain mo mommy, mawawala din po yan
Sa baby ko dati ganyan din. Every mrng pinupunasan ko lang ng cotton na basa yung mata.
Ganyan din si baby ko, pero pinapatakan ko ng breastmilk every morning. Umookay naman sya
Nawala po sya morr or less 4days. Pero meron din po pala yung binigay na eyedrops/ointment nung pinacheck up ko si baby.
Linisin mo lang muna nan clean water at cotton
Same here ginawa ko lang po sa baby ko pinatakan ko po sya ng breastmilk. Then siguraduhin po natin na malinis kamay na tin pag pupunasan natin yung eye ni baby.
pacheck up mo po sa pedia mahiral kasi magself medication..iba na po kasi ang panahon ngayon momsh
Zack Augustine's mom