Ask ko lang mga mi

Hello mga mommy! May mga FTM ba rito na nagbabalak na rin magpakasal? Nagbabalak kasi kami ni partner mag pakasal muna kahit civil and intimate wedding lang. Kaso, by Nov kasi possible na akong manganak. Hindi ko alam if unahin ba muna namin magpakasal tapos pagsabayin na lang binyag and bday ni baby or after na lang 1st bday nya? If magpapakasal naman kami bago ako manganak, mas prior naman namin ang needs muna ni baby and panganganak ko. Any tips or advice po? 😊 #FTM #advicepls #pleasehelp #firstbaby

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako mi nagpacivil kami bago ako manganak. June kami kinasal then Aug ako nanganak. (Malaki na tyan sa mga pictures). Keri naman since civil mura lang gastos namin, naglaan lang kami maliit na halaga para sa pagkain namin at tinulungan naman kami ng family ko, may konting ipon din nman kami. Awa ng Diyos naraos namin ang kasal at panganganak ko ng Aug. Yung nakuha ko kasi ng SSS ay nilaan talaga namin para sa panganganak, hindi talaga namin nagalaw kaya malaking tulong talaga. Ang gamit naman ni baby puro eegalo ng kasal kasi binilin ko na rin sa mga bisita na sana ang gift is gamit ni baby. halos wala na kami binili ni hubby na gamit kasi marami mga gifts na mga damit, stroller, duyan, diapers. konting konti nalang binili namin.

Magbasa pa
2y ago

3weeks after po nakakuha kami copy sa munisipyo. tinatanggap na po yun sa mga hospital basta certified true copy ng munisipyo(may tatak).