14 Replies
Ako mi nagpacivil kami bago ako manganak. June kami kinasal then Aug ako nanganak. (Malaki na tyan sa mga pictures). Keri naman since civil mura lang gastos namin, naglaan lang kami maliit na halaga para sa pagkain namin at tinulungan naman kami ng family ko, may konting ipon din nman kami. Awa ng Diyos naraos namin ang kasal at panganganak ko ng Aug. Yung nakuha ko kasi ng SSS ay nilaan talaga namin para sa panganganak, hindi talaga namin nagalaw kaya malaking tulong talaga. Ang gamit naman ni baby puro eegalo ng kasal kasi binilin ko na rin sa mga bisita na sana ang gift is gamit ni baby. halos wala na kami binili ni hubby na gamit kasi marami mga gifts na mga damit, stroller, duyan, diapers. konting konti nalang binili namin.
Same situation tau mih ako naman December manganganak pero to be practical unahin muna namin yung baby kasi maliban sa gastos, kailangan din ng more time para sa preparation ng wedding. Kahit sabihin mo na simple lang, alam mo naman tayong mga babae hanggat maari gusto natin maging special yung araw na yun kasi minsan lang yun. Pero nasa sayo padin yan kung ano satingin mo dapat
Pwede naman po kayo magpakasal ng simple civil wedding, kahit kayo lang ng partner mo at 2 witnesses. Para less gastos at less stress sa pagpe-prepare ng wedding. Bawi na lang next wedding pag ok na kayo ni baby. At least pag nakasal kayo, legitimate child si baby. Pag kasi after birth pa kayo nagpakasal, illigitimate siya and need niyo pa magpa-affidavit of legitimation.
Mas okay po na magpakasal before manganak. Para wala na din po problema sa birth cert ni baby. Mas okay po if civil wedding muna. Got married in Dec 2021, 5 months pregnant ako noon. Pinagsabay namin ang celebration ng bday at binyag ni baby but I suggest na unahin na ang binyag. 😊
If magpapakasal kayo before ka manganak. Mas mabuti siguro sobrang simple at intimate lang para di masyado magastos. Para makafocus at maglaan ng budget sa paglabas ni baby. Mas maganda ata mauna binyag ni baby wag mo isabay sa birthday kasi masyado matagal
I would say po na after having the baby nalang po. First is para tipid because pwede isabay binyag, and second is dahil kahit intimate wedding po eh kahit papano mejo stressful parin po mag ayos ng wedding. So para iwas stress and isipin, after nalang po 😊
No po doble gastos yun kasi magiging illegitimate yung anak nila. Need nila ulit ilakad for adoption. Ganun po nangyari sa pinsan ko .
I suggest magpakasal muna po kayo kahit sa mayor or judge lang po muna para po legitimate ang baby sa birth certificate. if di kasi kasal illegitimate ang bata and if ever magpakasal kayo after birth, lalakarin nyo pa po yung legitimacy.
nag civil wed kami mi 2500 lan nagastos then 16 visitors lan kumain lan kami sa resto mga 10k ..mabilis lan..hindi na ko nag pa stress noon..4 months preggy ako that time..then after 2 yrs ng church wed naman kami
pwede nyo naman po hintayin na makaraos ka muna mommy para na rin sa safety nyo ni baby ☺️
pwede nyo naman po hintayin na makaraos ka muna mommy para na rin sa safety nyo ni baby ☺️
Anonymous